Tuloy-tuloy lang po sa pagbabasa .. Umaasa ako na hindi ko kayo na di-dissapoint sa mga updates ko ..
Thanks Readersss ..
Keep on Reading :))))
_____________________________________________________________
Nang makarating kami sa labas.
“Bakit tayo lumabas? Baka hanapin nila tayo?”
“Hindi tayo makapag usap ng maayos dun .. Masyadong maingay ..”
Totoo naman kasi, masiyado ngang maingay sa loob .. Dahil rin siguro sa dami ng bisita at idagdag pa yung banda na kumakanta ..
“Sino ba yung lalaking sinasabi mong gusto mo?” biglang tanong ni Louie sakin.
“B-bakit mo naman biglang natanong?” alala kong tanong .. Sa lahat ba naman kasi ng oras bakit ngayon niya pa yun naalala?
“Sagutin mo na lang!” sabi niya.
“Ah – Eh ..” biglang hindi ko mahagilap ang mga salita para makabuo ng sentence, kaya yun na lang ang naging sagot ko.
“Si Harry ba?” tanong niya.
“Anooo? Si Harry??!!” gulat na gulat kong sagot. Paano naman kasing mangyayaring si Harry? Eh diba nga, siya yung gusto ko!
“Oo! Ang sweet niyo eh.” sagot niya.
“Tsssh. Hindi aah!” tanggi ko.
“Wag ka ng mag deny .. Hindi naman ako maingay ..”
“Eh bakit ko naman I de-deny kung totoo?”
“So hindi talaga si Harry?”
“Hindi talaga!!”
“So sino?”
“Eh- bakit ba kasi gusto mong malaman?”
![](https://img.wattpad.com/cover/808083-288-k287151.jpg)
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...