Eto naman po ang POV nila Harry, Louie at Venice! <Crossfinger> haha .. Pasensiya kundi ako maganda gumawa ng POV huh .. I repeat, first tym ko lang pong gumawa ng ganito .. Thanks sa mga nagandahan! Sa mga hindi, Thanks pa rin kasi atleast binasa nio .. c:
HARRY’s POV
Maaga akong nagising, so I decided to buy a food for Venice, kasi nakita ko sa mesa na di na naman masarap yung ulam .. Sigurado kasing di na naman yun kakain, kaya umalis na ako habang natutulog pa siya ..
Habang nasa kotse naalala ko yung sinabi ko sa kaniya kahapon sa restaurant, tapos di manlang niya ko pinansin ..
Talaga kasing I found her very interesting, tsaka alam niyo naman na di ako yung tipo ng lalaki na madaming paligoy ligoy, kaya yun sinabi ko agad sa kaniya ..
Nakakahiya talaga kasi biruin mo yun, wala manlang siyang naging sagot o reaction! Mukha kong tanga! Hindi pa kaya ko napahiya ng ganun ..
Tsaka maraming babae ang naghahabol sakin kaya bakit ako masiyadong apektado kay Venice, wala sa vocabulary ko ang magpa apekto ng ganun sa kahit sinong babae noh!
Lumiko ako sa ibang kalye, nagbago na kasi yung isip ko, di ko nalang ibibili ng pagkain si Venice .. Pupunta na lang ako sa lugar na madalas kong tambayan, for sure madami na namang babaeng nag aantay sakin dun!
___
LOUIE’s POV
Pagkatapos ng pakikipag talo ko sa walang modong spoiled brat na yun, may na isip akong gawin!
Maghahanda ko ng masasarap na pagkain for Lunch & Dinner ..
Panigurado matutuwa ang Brat na yun! Hahaha .. Pero matuwa pa kaya siya sa mangyayari mamaya …
Sisimulan ko na siyang pahirapan! Nang sa ngayon pa lang ay matuto na yun, tsaka para makabalik na agad yun dun sa bahay niya, nakaka bwisit ang presence niya dito sa boarding house! Nakakasira ng araw!
___
VENICE’ POV
Iiyak na lang ako buong araw, dito sa pangit at maliit kong kwarto! Mas gugustuhin ko pang hindi kumain kesa makita ang mga Hunks i mean mga Sucks na yun!
Sana magkasakit ako para makonsensiya yung matandang ama ng dad ko! Baka sa ganung paraan maawa siya sakin at ibalik na ko sa mansyon ..
Hindi ko na ata talaga makakayanan kung magtatagal pa ko sa boarding house na to!
Yung mga lalaking yun, parang mga bakla!! Hindi manlang ba sila nagagandahan sakin?!! Wala na ba akong appeal??!!
Tsss .. Si Harry lang ata ang nakaka appreciate sakin dito?! Panu ba naman siya lang ang flirt! How I wish na sana lahat na lang sila flirt! C:
Aaaaahhh … Ayoko na talaga sa lugar na to!! Kailangang makagawa ako ng paraan kung pano ako makakaalis dito as soon as possible !! Baka imbis na tumino, mabaliw pa ako dito!! Mas worst pa to sa rehab eeh !!
Hanggang sa unti-unti na ngang bumigat ang mga mata ko dahil sa pag iyak, kaya naka tulog na naman ako ..
VOTE! COMMENT! BE A FAN!
Maikli lang po ko gumawa ng POV kasi po feel ko pag mahaba nakakatamad na basahin, ganun kasi nararamdaman ko pag nagbabasa ko ng mga POV sa ibang kwento .. Salamat po sa mga bumasa! Abangan nio po yung nxt chapter! Hehe .. Simula na ng paghihirap ni Venice! C:
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...