UPDATE*
_________________________________________
Handang handa na siya sa pagpunta nila sa bar, kanina kasi kinatok ulit siya ni Harry at sinabi nito kung anong oras sila aalis ..
Nalaman niya din na kasama pala sila Nathan, Dave at Louie .. Ngayon ang 1st agenda niya ay ang maipakita sa mga Hunks na unti-unti na siyang nagbabago ..
Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto ng kwarto niya ..
“Just a minute ..”
Pinasadahan niya ulit ng tingin ang kabuuan niyang ayos bago tuluyang lumabas ..
“I’m ready!”
“Wow! You look gorgeous!”
“Thank you .. Ano aalis na ba tayo?”
“Ipapaalam ko pa kay Louie na isasama kita ..”
“Ganun ba .. Hmmm .. Ako na lang!”
“Ikaw? Baka lalo ka lang nun hindi payagan!”
“Basta, akong bahala ..”
Habang pababa sila ay di niya maiwasang hindi titigan si Venice .. Ibang iba na kasi talaga ang pagkilos at pagsasalita nito ..
Nang makarating sila sa sala ay nandun na rin sila Nathan, Dave at Louie .. Nabigla pa nga ang mga ito ng makita siya ..
“Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit ka naka bihis?” – Louie
“Inaya ko kasi siyang sumama ..” paliwanag ni Harry.
“Louie, bago ka magalit, let me tell you something!” – Venice
Hindi na naman nagsalita si Louie kaya nagsalita na siya ..
“Okay, silence means yes!”
Muli siyang huminga ng malalim bago ulit nagsalita ..
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...