Chapter 49: "I really do love this girl!" (Part 1)

49.6K 824 158
                                    

- Hi Readers!! I'm back!! Sana magustuhan nyo ang chapter na toh, at sana after nyong mabasa toh, ma feel nyo na worth it yung pag hihintay nyo. (Cross finger) Kasi halos hindi rin ako naka tulog ng maayos this past few days kakasulat nito. So Good luck na lang sakin! Enjoy! ((:

 

 

 

_____________________________________________________________________

Halos hindi ako makatulog kagabi kakaiyak, kaya eto, namamaga na naman ang mga mata ko.

Tsk. Nakakapanibago tong malaki kong kwarto, hindi narin ako sanay sa lambot ng kama ko. Wala pa nga kong isang araw nakakabalik dito sa bahay na mi-miss ko na agad yung boarding house, what more pa kaya sa mga susunod na araw? -__-

Hihiga pa sana ulit ako ng maalala ko na sa school parin pala nila ko mag aaral, ibig sabihin lang makikita ko ulit sila mamaya?!!

Dala ng tuwa ay napatayo ako sa kama ko at nagtatatalon. :DDD

“My princess, what are you doing?” bigla kong napahinto ng makita ko si Mommy sa may pintuan.

“I’m just happy mom. Na miss ko kaya tong buong kwarto ko.”

 

“Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong nya habang papalapit sakin.

“Okay na okay. May breakfast na ba? Gusto ko sana pumasok ng maaga eeh.”

 

“Ready na ang breakfast, gusto mo bang dalhan na lang kita dito?”

 

“Wag na mom, sasabay na lang ako sa inyo kumain. Maliligo lang ako.”

 

“Okay.”

 

“Anong oras ang dating ni Lolo?”

 

“Mga 10 siguro.”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon