This is my 4th and Last update for today :))
Jeez. Hilo na ko, antok na antok na ko .. Pero dahil mahal ko talaga kau, ayan naaaa .. Sana magustuhan niyo :D
Baka po matagalan na ulit yung next Update .. Mag iipon na lang po ulit ako tapos sabay-sabay kong ipa-publish .. hehe .. Abangan niyo na lang po aaah :)) Thankssss :D
______________________________________________________________
Halos lahat sila bagong gising pagka baba sa Van. Si Nathan, naguguluhan pa rin. Si Venice naman ilang na ilang kay Louie, kaya naman hinila niya na agad papasok sa Mall si Keila.
“Wait! Venice, anong kulay ng dress na susuotin mo??!! pahabol ni Harry pero hindi na siya nito narinig.
“White daw!” – Louie.
“White? Nadinig mo ba siyang sumagot?” – Harry.
“Bakit, hindi mo ba siya nadinig? White daw eh!”
“Ahhh. Okay.”
“Sige, una na ko sa loob.” at tatawa tawang sumunod si Louie sa loob ng mall.
Hindi niya naman kasi akalaing maniniwala sa kaniya si Harry. Wala naman kasi talagang sinabi si Venice na puti ang susuotin nito.
So ngayon, kailangan ko na lang ibahin ang kulay ng dress ni Venice.
Nakita niya sila Venice at Keila na papasok sa Ladies boutique.
“Venice!!” tawag ni Louie.
Nadinig ni Venice na tinawag siya ni Louie, pero wala sana siyang balak lingunin ito dahil naiilang pa rin siya at pakiramdam niya ay ang bilis na naman ng tibok ng puso niya, ang kaso lang ay nadinig rin pala ito ni keila kaya ito ang lumingon.
“Oh. Venice, tinatawag ka ni Louie. Akala ko ba sasamahan ka niyang mamili ng dress mo?”
“Ayyy. Oo nga pala!”
“Oh, lapitan mo na siya dun. Una na ko sa loob, sunod na lang kayo.”
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...