Chapter 22: "Are you willing to change?"

49.2K 829 66
                                    

Eto na po ang bago kong update na ipinangako ko sa dalawa kong napaka bait na readers na sila xoxo03 at wushuuu .. Hehe .. Thanks Guys!

Sana po magustuhan niyo! :))

___________________________________________________

Kasalukuyang nasa tabing dagat si Venice kasama si Melissa.


“So yun pala ang nangyari kaya ka depressed?”


“Ganun na nga. Lalo tuloy akong naguguluhan.”


“Hmm. Di kaya may feelings ka na para kay Louie?”


“Whaaaat! Feelings?? Pano namang mangyayari yun friend? Eh lagi nga ko nung sinasaktan at pinahihirapan, alam mo naman yun diba? Kaya imposible yang mangyari.”


“Bakit defensive ka naman masiyado?


“Eh kasi naman ..”


“Yan na nga ba kasi ang sinasabi ko sayo. Hindi ka nag iingat.”


“Tigilan mo nga ko! Never akong magkaka fe-feelings sa gaya nun noh! Mas pipiliin ko pa si Harry kaysa sa kaniya!”


“Sige, sabihin na nga nating wala ka ngang feelings. Eh bakit ganun? Masiyado kang nasasaktan sa mga sinasabi niya sayo, kahit na alam mo namang hindi totoo!”


“Yun nga nga, hindi totoo pero sa paningin niya ganun ako.”


“So mahalaga pala sayo kung ano yung tingin niya sayo. Akala ko ba wala kang feelings?”


Confuse pa rin si Venice, hindi siya sigurado kung tama ba ang hinala ng best friend niya, pero base sa mga sinabi niya lumalabas nga na parang may feelings na nga siya kay Louie.


“Ready ka bang alamin kung ano ang totoo?”


“What do you mean?”


“May plano ako, diyan ka lang huh .. Wag kang aalis!”


“Teka, san ka pupunta?”


"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon