Hanggang dito po muna ang update .. Sana magustuhan niyo .. Thankssss!
_______________________________________________________________
On the way, wala parin siyang imik. Na bad trip kaya siya? Ano kayang pwede kong gawin para bumalik yung magandang mood niya?
“Louie ..”
“Uhm?”
“Ang gwapo mo.” sabi ko sabay tingin sa labas ng kotse. >///<
Nakakahiya lang kasi. Ehh. Wala akong ibang alam na paraan para makapag pasaya ng tao! Tsaka yun lang ang naisip ko?
“Anong sabi mo?”
“Tsssh. Hindi na pwedeng ulitin.”
“Gwapo ako?”
Nu ba yaaaan! Narinig naman pala, nagtatanong paaa! >///<
“Psssh. Matagal ko ng alam yan!”
“Tsssh. Malay ko ba, baka nakalimutan mo na.”
“Psssh. Imposible! Lagi ko naman yang nadidinig na sinasabi ng mga babae dun sa school.”
“Tsssh. Hindi ka naman masyadong mayabang?”
“Hindi naman ..” sabay ngiti.
Hooooo. Success! Naka ngiti na ulit siya ..
“Sayo ba may nakapag sabi na kung gano ka kaganda?”
“Ah – Oo naman! Venice, You’re awesome .. You’re gorgeous .. You’re beautiful ..”

BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...