Chapter 18: "The winner will get the chance to be with Venice...."

45.8K 737 52
                                    

Ayieee. 2nd update ko na to ngayong araw. hmmm. Sana magustuhan niyo c:

__________

Nasa labas ng room nila Venice at Keila yung limang Hunks nang naka Trunks lang! Pupunta na kasi sila sa dagat para mag swimming, yung dalawang girls na lang yung hinihintay nila.


Nagtatawanan pa nga sila ng bumukas yung pintuan. Unang lumabas si Keila, napa titig pa nga sila dito dahil ang sexy nito sa suot na swim suit.


“Sweet heart ..” lumapit si Zeth sa girl friend at yinakap ito. Kaya naman nag iba na naman yung pinta ng mukha nung apat.


“Jeez, kumuha nga kayo ng kwarto!” sabi ni Dave kaya nagtawanan ulit sila.


Nahinto ang pagtatawanan nila ng si Venice naman ang lumabas.


She look so perfectly Hot with her balck swim suit, na emphasize pa lalo yung maputi niyang skin dahil sa kulay ng suot niya.


Napansin ni Keila na napa tulala yung apat kay Venice kaya naman nag snap siya isa isa sa mga mukha nito.


“Woah! Guys!” *snap* *snap*


At para namang nauntog yung apat at iniiwas ang tingin kay Venice.


“Wag niyo namang ipahalata na mas sexy sakin si Venice.” Hirit pa ni Keila kaya nag tawanan ulit sila.


***

Nang makarating sila sa tabing dagat.


“Wow!! Ang gandaaa..” manghang manghang sabi ni Keila.


Halos matigilan din si Venice ng mapagmasdan ang dagat. Hindi pa kasi siya nakapag swimming sa dagat dahil mas prefer niya nga ang pool, pero ngayong nasa harapan na siya nito. Para tuloy gusto niya ng tumakbo at magpaka lunod.


“Guys, may naisip ako. Lumapit kayo dito!” panawagan ni Keila.


Nang makalapit sila.


“Ano yung naisip mo, sweet heart?”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon