Lulubus-lubusin ko na .. Nangako ko sa mga mababait kong readers na dadamihan ko update koo .. Sooo, eto na ang 2nd update for today :))
________________________________________________________________
Pagka rating nila sa kwarto ay padabog na isinara ni Nancy ang pintuan.
“Hoy Girl ..” tawag ni Nancy kay Venice.
“Bakit?”
“Siguro pinilit mo lang si Dave noh? Kaya ka niya pinasakay dun sa kabayo niyang si Marry!”
“Huh? Ba’t ko naman gagawin yun?”
“Nancy, don’t be so mean!” sabat ni Keila.
“Wag mong sabihing matapos mong makipag halikan kay Louie, Si Dave naman ang prospect mo ngayon?”
“Tsssh. Alam mo kung na iinggit ka, kay Dave ka mag reklamo, wag sakin!! Hindi naman ako yung may ari nung kabayo diba?”
Tumayo sa pagkakahiga si Venice at lumabas ng kwarto. Nawalan na kasi siya ng gana matulog dahil kay Nancy.
Tsssh. May tinatago rin pala yung baho! Akala ko pa naman napaka bait at hindi makabasag pinggan. Tsk! Poker face!! Nakakawalang gana tuloy matulog ooh..
Nagpunta na lang sa Sala si Venice at binuksan niya ang T.V .. Balak niya sanang mamaya na lang bumalik sa room nila pag naka tulog na si Nancy.
“Ba’t di ka pa natutulog?”
Automatic siyang napa lingon sa likuran ng madinig ang pamilyar na boses.
“Louie ..”
“Nauhaw kasi ako kaya bumaba ako para kumuha ng tubig, di ko akalaing nandito ka.”
“Mamaya na ko babalik dun sa kwarto, nakakainis si Nancy ehh.”
“Inaway ka?”
“Sinisisi ako.”
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...