HAPPY NEW YEAR !!! hihi .. Update ulit !! c:
_______________________
Pagkarating ni Venice sa kwarto ay naluha na naman siya habang nakatitig sa mga kamay niya ..
“Never akong pinag hugas nila mom at dad .. Tapos dito kung tratuhin nila ko parang may nakuha silang katulong .. Ang gaspang na ng kamay ko .. Ano na lang ang sasabihin sakin ng mapapangasawa ko in the near future ..”
Mabagal siyang naglakad papunta sa kaniyang kama habang nakatitig pa rin sa mga kamay niya ..
Awang awa na naman siya sa sarili niya .. Kailangan niya na talagang makaisip ng paraan kung paano makakaalis agad dun .. Lalo pa ngayong nagsisimula na siyang pahirapan ni Louie ..
Nasa sala ang apat na Hunks at may kaniya kaniyang ginagawa nang dumating si Harry ..
“Heyy .. Buong araw na naman ba kayong mag stay dito sa boarding house?!”
“Oh .. Saan ka ba nanggaling, di mo tuloy nakita yung ginawa kanina ni Venice!” – Zeth
“Bakit, ano bang ginawa niya?”
“Naghugas lang naman ng pinggan!” – Nathan
“Woahh! Marunong siya?”
“Malamang hindi! Kaya nga inabot siya ng ilang oras bago matapos!” – Nathan
“Anyway, gimmick naman tayo mamayang gabi!”
“Bakit mukhang di ka na interesado kay Venice?” – Zeth
“Baka naman pinahiya yan ng babaeng yun?” – Dave
“Paano mo naman nalaman? Pinahiya ka na rin ba niya?!” – Harry
“huh?! Hindiii .. Na sense ko lang!” defensive niyang sagot.
“Forget her! Gimmick na lang tayo mamaya!” pagbabago ni Harry sa usapan.
“Magkikita kami mamaya ni Keila ehh .. Sorry di ako pwede ..”
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...