Chapter 39: "Venice & Harry's Confrontation"

41.2K 704 25
                                    

Gaya po ng sinabi ko, mag a-update po ako once na may masulat ako .. Well, meron naman .. Eto pa nga laang .. So hintay hintay na lang po ulit .. Hehehe.

Maraming salamaaat po sa mga readersss ko .. Mahal ko pa kayooooooo !! Awww. Sana magustuhan niyo to, SOrry na kung bitin ulit :))))

______________________________________________________________________

Kinabukasan, pagkalabas ko ng kwarto ko, lumabas din sa kabilang kwarto si Harry.

 


“Good Morning.” bati ko sa kaniya sabay ngiti.


Habang siya, N/R (No Reaction) sabay baba na ng hagdanan.


Hindi niya ko pinansin ?? Tsssh. Siguro masama pa rin yung loob niya dahil si Louie ang pinili kong maging escort ..

 


Imbis na dibdibin ko yung pang dededma ni Harry, bumaba na lang din ako para na rin makapag breakfast.


Pagka rating ko sa dining area, nandun na silang lahat.


“Good Morning Venice!” bati ni Zeth.


“Good Morning.” Sagot ko. Tapos dire-diretso na kong umupo sa tabi ni Harry.


Hindi ako sanay sa di niya pamamansin sakin, usually kasi pag kakain kami, ipaghihila niya pa ko ng bangko at siya pa yung maglalagay ng pagkain sa plato ko.


Pero ngayon ..


Haaay. Nakakapanibago lang ..


“Guys, mamayang uwian niyo mamasayal tayo huh!!” sabi ni Jhela.

 


“May Practice ako.” sabi ni Nathan.


“May photo shoot ..” sabi ni Zeth.


“Busy ako.” sabi ni Dave.

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon