Chapter 13: "POV of HUNKS!" (Optional)

48.9K 863 45
                                    

Optional lang po tong bagong update .. Choice nio na po kung gusto nio pong basahin o hindi .. I just want to express their feelings regards dun sa nangyari kay Venice kaya po ako gumawa ng mga POV nila .. Very much appreciated po kung babasahin nio .. Thanks & God Bless c:

______________________________________

LOUIE’s POV


Kakalabas ko lang sa garage at kasalukuyan akong nasa loob ng kotse ko .. Magpapa car wash sana ko nang makita ko sa di kalayuan na may ilang babae na para bang may pinagkaka guluhan ..


Babalewalain ko na sana nang mamukhaan ko ang isa sa mga babae .. Yun kasi yung tinulak ko nong nandun kami sa bar, gusto ba naman akong upuan sa hita!!


Di ko na lang sila pinansin at pagpapatuloy ko na sana ang pagmamaneho, nang makita ko yung ibang babae na may sinasabunutan ..


“Mga kababaeng tao, mahilig makipag away ..”


Paalis na talaga ko, pero tinignan ko ulit kung sino ba yung kawawang babaeng sinasabunutan kasi parang pamilyar yung damit .. Napa mura na lang ako ng makilala ko kung sino ..


“F*ck!! Si Venice !!!”


Nakita kong itinaas nong babaeng may hawak kay Venice ang isa nitong kamay at may hawak itong kutsilyo o kung ano man yung matalim na bagay ..


Nagmamadali akong lumabas sa kotse ko, tumakbo ko hanggang sa makalapit ako sa kanila .. Pero nakita kong dumudugo na yung mukha ni Venice .. Tinabig ko yung kamay nong babae, tapos sinakal ko siya sa leeg ..


Kung bakit ko yun ginawa? Hindi ko rin alam .. Basta nang mga sandaling yun galit na galit ako dun sa babae ..


“Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na saktan siya huh!!!!” sigaw ko.


Kitang kita ko na halos hindi na maka hinga yung babae dahil sa higpit ng sakal ko, pero wala akong pakialam!! Mas lalo pa kong nagalit ng biglang mawalan ng malay si Venice .. Hinigpitan ko pa ang pagkakasakal, kaya naman inubo ubo na yung babae ..

Pinagpapalo ako nong iba pang babaeng kasama nito, pero hindi ko sila pinapansin .. Hanggang sa may humawak sa kamay ko at hinihila ako papalayo .. Wala pa sana kong balak bitiwan yung babae pero nadinig ko ang boses ng isa sa mga kaibigan ko ..

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon