Chapter 3: "I found you very interesting.."

70.2K 1.2K 39
  • Dedicated kay Patrice Barrientos
                                    

Ayun nag Update na dinn .. hehe .. Na inspired naman ako sa mga naka appreciate ng story na to ..

VOTE pag nagustuhan nio ang chapter ..

COMMENT pag may gusto kaung sabhin c:

BE A FAN! Para ma dedicate ko na rin yung mga susunod na chapter sa inyo c: THANKS!

HAVE FUN!

_____________________________________________________________________

Naalimpungatan si Venice dahil sa nadinig na pagkatok mula sa pintuan niya.. Ngunit sinubukan niya itong balewalain at muling bumalik sa pagtulog nang bigla siyang makaramdam nang gutom ..


Naalala niyang wala pa pala siyang maayos na kain mula pa kaninang umaga ..


Bumagon siya at tinignan ang orasan niya, nagulat pa siya nang makitang pasado alas otso na .. Masiyado na palang mahaba ang naitulog niya ..


Nagpasya na siyang bumangon at binuksan ang pintuan.


“Ano bang kailangan mo?”


“Kakain na tayo ng dinner ..” – Zeth.


Hindi na siya nagsungit dahil talagang gutom na rin siya kaya agad na siyang sumunod kay Zeth nang ito’y bumaba.


Nang makarating sila sa dining area ay agad siyang tinawag ni Harry ..


“Venice, dito ka maupo sa tabi ko!”

Nagpunta na nga siya sa tabi ni Harry, nagulat pa siya nang si Louie pala ang kaharap niya .. Hindi niya na lang ito pinansin at kakain na sana siya nang makita kung ano ang mga ulam na nasa mesa ..


“Akala ko ba dinner? Eh bakit Hotdog at Itlog?”


Ayaw rin naman nilang lima na yun ang ulamin pero sinabihan sila nang lolo nito na wag itong sanaying pakainin nang mga masasarap na pagkain ..

Sa totoo lang ay nagluto nang masarap na ulam si Louie pero balak sana nila yung kainin pag natapos nang kumain si Venice ..


“Akala ko ba may binigay na pera sa inyo yung matandang lalaki na nagdala sakin dito? Eh bakit hindi niyo yun gastusin para makabili kayo nang masarap na ulam!! Masiyado kayong nagtitipid!!”


“Wag kang kumain kung ayaw mo!” pagsusungit na naman ni Louie.

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon