Ayieeee .. 4th Update !! Baka po kasi matagal tagal pa po ulit ako makapag update kasi mag fo-focus po muna ko sa pag aaral .. Kaya po ayan pinublish ko na talaga lahat ng mga nasulat kooo ..
Sana poooo subaybayan niyo ang story na to hanggang sa wakas .. Thank u pooo sa lahat ng readers kooo .. :)))
Sa chapter po na to, ipapakilala ko ang BAGONG CHARACTER na ginawa ko para lang sa PINAKA ESPESYAL kong FAN !!
Gaya ng ipinangako ko sayooo .. hehehe ... Ayaaan na !! Dito ka na eeksena !! Sana magustuhan mo :)))
_______________________________________________________
Kinabukasan, pagka gising ko ay nakita kong naglilipit na sila Keila ng mga gamit nila ..
“Keila .. Uuwi na ba tayo?” tanong ko.
“Oo daw ehh. May kailangan kasing sunduin sa airport si Louie.”
“Airport?” aaahhh .. Baka yun yung pinaguusapan nila ng Daddy niya. Pero sino nman kaya ang susunduin niya .. Baka alam ni Keila, so nagbaka sakali akong magtanong.
“Sino daw yung susunduin niya?”
“Anak daw ng ninong niya eh.”
“aaaah.” Anak lang pala ng ninong niya .. Pero bakit siya pa ang kailangang mag sundo ..
“Si Nancy nga pala, kanina pa umalis .. May pinapasabi siya, sorry daw sa mga nasabi niya sayo last time ..”
“aah .. Sayang naman, hindi na ko nakapag paalam sa kaniya. Eh, paano na pala sila ni Dave?”
“Pag may time daw siya, try niya daw bumisita sa boarding house nila Dave.”
“aaaah.” puro ganun lang yung ma sagot ko .. Panu ba naman himbing na himbing ako sa pagtulog, hindi ko na tuloy alam yung mga nangyayari.
“Anong oras ba tayo aalis?”
“After lunch daw.”
“aaah. Okay.” pagka bangon ko ay inayos ko na rin ang mga gamit ko.
“Mamaya mo na yan ayusin, kumain ka na muna sa baba ng breakfast .. Baka sumakit na naman yang tyan mo ..”
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...