Chapter 43: "Be my date .." (Part 1)

41K 793 40
                                    

Woah !! Gumising po ko ng maaga para lang magawa to kahit na ang sakit sakit ng ulo ko dahil sa sipon, paos pa dahil inuubo .. Haaaaay .. Pasensya na po kung isang chapter pa lang ang maidadagdag ko .. Sa ngayon po kasi nahihirapan akong mag isip at mag imagine dahil masama pakiramdam ko ..

Salamat po sa pag hihintay !! Sorry po kung bitin toh, hehehe .. Talagang isiningit ko lang sa oras ko ang pag ta type nito .. So sana po ung mga galit at mainit ang ulo jan dahil sa last chappie, sana lumamig na ulo niyo dito ..

_________________________________________________________________________

Lumipas ang tatlong araw, halos maging daily routine ko na ang pag gising ng maaga, diretso sa bathroom para maligo at makapag bihis, tapos papasok na ko ng school, pupunta ako ng caf para makapag breakfast then diretso na sa classroom.

May mga pagkakataon na nagkikita kami sa school ni Louie, nagkakasalubong din pag nasa boarding house, pero ako agad ang umiiwas, ayoko pa rin kasi siyang maka usap.

At everytime na makikita ko sila ni Jhela na magkasama, nasasaktan pa rin ako.

Sa sobrang pag iisip ko sa kanila nitong mga nag daang araw, hindi ko na napansin na Feb. 13 na pala. Tssh. Feb 14 na bukas, for sure marami na namang lovers ang nagkalat niyan.

Haaaay. Birthday ko na rin pala sa Feb. 15. Muntik ko ng makalimutan, si Louie nga pala ang escort ko! Jeez. Takasan ko na lang kaya sila?

Anyway, kasalukuyan na nga pala kong naglalakad papunta sa sakayan. Ilang araw na rin kasi akong nag co-commute pag papasok, ayoko na rin kasing hintayin pa silang magising para lang maki sabay, eh ang lapit lapit lang naman dito ng school.

Kung masipag ka, pwedeng pwede mo nga lang lakarin eh. Pero dahil tamad ako, at hindi ko ugali ang maglakad, nag ta-taxi pa ko.

“Venice!” natigilan ako sa paglalakad para lingunin kung sino yung tumawag sakin, hindi kasi masyadong pamilyar yung boses.

“Sakay na!”

“Dave!!!?” hindi naman halatang nagulat ako .. Tsssh. First time niya kaya kong tinawag, at sa pangalan ko pa?

“Sakay na!” aya niya ulit.

“Ahh- wag na. Mag co-commute na lang ako.”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon