Yipeee. Nadagdagan na naman ang mga readers at fans ko! :D
Sobrang inspired po ako sa story na to kaya nung monday, inubos ko yung buong araw kakasulat nito .. hahaha .. Kaya ang dami ko na pong Updates, pero siyempre po di ko muna ilalagay lahat, pa unti-unti muna para naman po mabitin kau .. hehe.
***
LOAD NIYO NAMAN PO YUNG VIDEO sa right side tapos po patutugtugin niyo mamaya kapag nakita niyo na po sa scene yung title nong song, para naman po mas ma feel niyo yung flow nong story. Thanks po! God Bless c:
________________
Kasalukuyan silang kumakain ng sabay-sabay sa dining area nang may sabihin sa kanila si Dave.
“Tumawag pala si Mommy, pinapapunta ko sa bahay.”
Pansamantala muna silang tumigil sa pagkain para pakinggan si Dave
“Bakit daw?” tanong ni Harry.
“May ipapakilala daw sakin si Mommy.”
“Na naman?” tanong naman ni Nathan.
“Panigurado babae na naman yan!” sabat naman ni Zeth.
“May balak ka pa ring pumunta sa inyo?” tanong naman ni Louie.
“Oo, next week na rin kasi ang birthday niya. Baka pag di ko siya pinagbigyan, magtampo pa yun.”
“Psssh. Ikaw na ang good boy!” biro ni Harry.
Sa kanila kasing lima, si Dave ang pinaka malapit sa mommy nito. Sa katunayan nga ayaw talaga siyang payagang mag boarding house ng mom niya, kung ano-ano pa ngang pagmamakaawa ang ginawa niya bago ito pumayag.
“Isama ko daw kayo.” dagdag pa ni Dave.
“Kelan ba yan?” tanong ulit ni Nathan.
“Sa Saturday.”
“Oh, wala naman palang pasok ehh.”
“Kung okay lang daw sana sa inyo, mag stay daw tayo dun hanggang Wednesday. Sa Tuesday kasi ang celebration ng birthday niya.”
“Sa akin okay lang umabsent. Kayo?” – Harry.
“Mag file na lang tayo ng vacation live para naman make up natin kung ano man yung ma mi-missed natin.” – Dave.
“Buti nalang Friday na yung laro namin, pwedeng pwede na kong sumama.” – Nathan.
“Pwede ba nating isama si Keila?” – sino pa ba, edi si Zeth.
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...