Sus! Ang tagal ko rin pong hindi nakapag Update .. Sorry po sa lahat ng readers ko na nabitin .. So this is the last part of Chapter 46 .. hahaha .. Sencia na kung masyado na pong LATE para sa Valentines .. Hindi pa naman natatapos ang february eeh :))))
Busy pa rin po ako kaya ito pa lang ang nasulat kooo .. Sana po maintindihan nyo .. Ayoko naman pong madaliin dahil baka maging Lame .. Kaya sana po wag kaung mainip kakahintay :)))
Thanks readerssssssss :DDD
______________________________________________________________________________
Matapos kaming kumain ay nagpaalam na rin agad kami kay Tita. Nagulat pa nga ko ng may iabot siyang paper bag sakin, alam niya pala na birthday ko na bukas.
Kinuha ko yung gift at nagpasalamat sa kanya, parang ayaw pa nga nya kaming paalisin ni Dave. Buti na lang napakiusapan namin sya, kung hindi malalagot talaga ko kay Nathan.
Tsssh. Nakaramdam na naman tuloy ako ng guilt. Haaaay. Kinailangan kong magsinungaling kay Louie para lang masamahan si Dave, ngayon naman nagsinungaling ako kay Dave para lang sa friendly date namin ni Nathan.
Ang dami dami ko na talagang kasalanan ..
“Venice, are you okay?” tanong ni Dave kaya naman natigilan ako sa pagiisip.
Kasalukuyan na nga pala kaming pabalik ng boarding house .. At damang dama ko na talaga ang pagod .. ==_________________==
“Ah- Yess. I’m okay.”
“Ang lalim ata ng iniisip mo?”
“Huh- Hindi naman .. May bigla lang akong naalala ..”
“Ano namang naalala mo?” Jeez. Bakit ba biglang naging matanong tong si Dave. Ayaaaan tuloy, kinakailangan ko na namang magsinungaling at mag imbento ng palusot. --___________--
“Ahh- Naaalala ko? Si anooo .. Si Louie?!!” Sh*ttttt !!! Bakit ba biglang pangalan ni Louie ang nasabi kooo?!!! Haaaaay .. Ito ata epekto ng sobrang pagod ..
“Si Louie????!!! Bakit mo naman siya naalala?”
![](https://img.wattpad.com/cover/808083-288-k287151.jpg)
BINABASA MO ANG
"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015
Teen FictionPUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Available at all Precious Pages stores and other bookstores nationwide. WATTPAD PRESENTS: A House Full of Hunks on TV5, February 9 to 13, every...