Chapter 32: "CONCERN????" O.o

40.8K 679 25
                                    

 3rd UPDATE for today ..

Have Fun Readerssss :))))

_________________________________________________________

Yung kotseng dala ni Tita yung pinagamit nya samin, sasabay na lang daw siya kila Dave sa pag uwi.

Unfortunately, nasa back seat ako kasama si Harry. Si louie kasi ang nag drive dahil mas natandaan niya daw yung dinaanan namin kanina.

“Okay ka na ba talaga Venice?” tanong ni Harry.

Imbis na sagutin ko siya ay tumango na lang ako. Tsssh. Ka BV siya, bakit ba kasi lagi na lang siyang umeeksena pag moment na namin ni Louie.

Hindi naman talaga mainit ang dugo ko kay Harry, kasi magmula pa lang sa umpisa ay lagi na siyang nandiyan, madalas niya rin akong ipagtanggol noon kay Louie, marami rin siyang sinasabi sakin na talaga namang sweet pakinggan ..

Pero kasi may mga oras na parang nakakainis na .. Gaya kanina pinag hinalaan tuloy ni Louie na siya yung lalaking gusto ko .. Okay lang naman sakin ang makipag kwentuhan sa kaniya, pumayag pa nga ko sa sinabi niya na pareho kami ng kulay ng susuotin para sa party .. Masaya rin naman siyang kausap .. Ang kaso lang nararamdaman ko na parang sumosobra na siya .. Hindi niya naman ako girlfriend pero kung maka asta siya ..

Aisssh. Alam ko na ang iniisip ng mga nakakabasa ngayon nito? Ang selfish ko noh? Tsssh. Tingin niyo ba si Harry hindi nagmumukhang selfish sa ginagawa niya? Paki batukan nga, para magising sa katotohanan na hindi siya ang gusto ko, kundi si Louie. Hahaha. Biro lang!

Okay, back to reality ..

Nasa biyahe pa rin kami, kapag hindi naka tingin sakin si Harry ay sumisimple ako ng tingin kay Louie ..

Buti na nga lang at hindi na masiyadong nang usisa si Harry kaya ngayon tahimik sa loob ng kotse.

Nang maka uwi kami ay nagmamadaling bumaba si Harry para maalalayan ako ..

Nakita ko naman si Louie, pinanonood lang kami habang papasok ..

So dinala na nga ko ni Harry sa room namin ..

“Okay ka na ba dito?” tanong pa niya.

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon