"You made us worry. You made me worry."
Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa kanya. Hinawakan ni Kieran ang kamay ko.
"Why did you hurt yourself like that, amour?" He traced the cuts I made on my forearm lightly with his fingers. Dalawang forearms ko ang sinugatan ko nung nasa pag-iisip ako ni mama Violet. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa 'yun pero nung nasa ganoong pag-iisip ako, I can't just explain it but somehow, I was sure that mama really did hurt herself.
Nagkataon ng dumalaw sa'kin sila Spade at kuya Blaze, which is my cousin pala dahil anak siya ng kakambal ni mama, sinabi nila sa'kin na talagang may cuts si mama during that night daw. Hindi na nga daw nila isinama 'yun sa profile dahil ayaw nila akong masaktan, pero ginawa ko pa din.
Nagawa ko pa din.
"Hindi ko din alam Kie," mahina kong tugon sa tanong niya.
He held my wrist. "Did something happen when you were in that state? What happened to you when Ninong Xian was trying to revive you?" Seryoso niya akong tinignan. "What's going on in your mind right now, amour? Tell me, I can help. I want to help."
Napalunok ako sa mga tanong niya sa'kin.
Heto na naman ako, magte-take na naman ng risk.
Huminga ako ng malalim. "Tomorrow, Doc Rafael told me that I can go home. Pwede bang ikaw at si Abo lang ang magsundo sa'kin?"
"Ayun lang ba? Consider it done, mon cœur."
"At," lumunok muna ako. "Kung pwede lang Kie, paki-contact naman si Doctora Niets."
Kumunot ang noo niya. "No problem, but may I ask why? Dahil kung magpapatingin ka sa kanya if you're going crazy and such, I can tell you right now that you are not."
Umiling ako habang nakangiti. "Hindi ko kailangan ng doctor para malaman kung baliw ba ako o hindi, Kieran. I am self-diagnosed crazy, don't worry."
He chuckled. "Then I am, too, self-diagnosed crazy for you." I gave him a poker face. "Haha. Okay, okay," he put his hands up. "You still haven't answered my question though. Why the need to contact the psychiatrist doctor?"
"Because I need her to be honest with me about my mom. Also, kailangan ko ulit makausap si mama Violet at itanong sa kanya kung bakit siya nagsinungaling."
-x-
"Okay, so ang ibig mo bang sabihin Mamao na nagsinungaling si Spade sa'yo? Pati 'yung gwapong-gwapo mong pinsan?" Kinamot ni Abo 'yung ulo niya. "Teka, set aside muna natin ang kagwapuhan ng iyong pinsan, pero si Spade? Nagsinungaling? Sa'yo? Omg! I kennot! I kennot move on talaga! Si Spade? As in si Spade na over-protective sa'yo ay nagasshligilj!"
"Kahit kailan ang OA mo, Aliyah," sabi ko ng matakpan ko ang kanyang napaka-ingay na bibig. Nandidito kami ngayon sa likod ng kotse ni Kieran. And yes, si lalaki ang driver na napapailing sa'min ni Abo. "Hindi ako sure okay? At tsaka, hindi ko sinabing nagsinungaling sa'kin si Spade."
"Eh sino ang 'they' na tinutukoy mo na nagsinungaling sa'yo? 'Di ba, isa siya sa mga napagkuhaan mo ng impormasyon at isa din sa mga dahilan kung bakit ka nag-agaw buhay?"
"Again, ang OA mo," I told her with a poker face. "Ako ang may kasalanan kung bakit ako na-ospital. Sinugatan at sinaktan ko ang aking sarili, okay?" Bumuntong-hininga ako. "Si mama Violet, si Sylvester Travis ang tinutukoy k —"
"Ayan!" putol bigla ni Abo. "Ayan na naman tayo sa Taragis na 'yan!"
"Travis," pagdiin ko. "Teka nga, wag mo nga muna akong pangunahan."
BINABASA MO ANG
Forgotten Child
Ficción GeneralLiving without knowing the mystery residing about the past was like living in the world with a blind eye. So, the search for the missing pieces of my puzzled history began. Secrets of the past will be revealed. What was stolen will be taken back by...