Thirty-eighth Chapter

146 12 0
                                    

"Bernice."

"Adria."

She immediately took over Aliyah's consciousness as soon as I greeted her when she opened the door.

"Is Dark around?"

Kumunot ang noo niya ng slight. "No... but he'll come home anytime soon. Come in."

"Thanks."

"Anong meron? You seemed... alarmed and pissed. Definitely pissed." Dumerecho kami ng kusina at inalok niya ako ng maiinom, and I took water.

"Kieran and I have a complicated past."

Lumaki ang mga mata niya. "Woah, woah. Teka, are you sure you want to talk to me and not Aliyah?"

Napangiti ako. "Both, please."

Matagal niya akong pinatitigan bago pumikit at huminga ng malalim. Nang dumilat siya, ramdam kong bumalik si Abo. Agad niyang hinawakan ang kamay ko.

"Maiah.." tawag niya sa'kin na may halong pag-aalala. "Si Bernice... nakikinig daw siya."

Tumango ako bago huminga ng malalim. "Kieran and I have a complicated past, Aliyah Bernice... and it involved your brother, Aidan Ichiro Oleen."

"Si kuya? Anong kinalaman ni kuya sa inyo?"

"Like you and Dark, siya ang dahilan kung paano kami nagkakilala ni Kieran. There was a time when Aidan would spend time with me na parang hindi siya ang kasama ko." I sadly smiled. "Having a dual-personality runs in your family, Aliyah Bernice. At kung sayo, baliw at seryoso ang dalawa mong personalidad, si kuya mo naman ay iba."

"B-Ba't hindi sa'kin ito sinabi ni kuya? Bakit kailangang ilihim?"

Umiling ako. "Hindi sa nilihim ni Dan ang pagkatao niya sayo, sadyang hindi lang siya nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag sayo. Aliyah Bernice," hinawakan ko kamay niya. "Both of your brother's personalities loved you so, so dearly."

"Pano mo nasabi 'yan? Sinabi niya sayo? Nila? Sayo tapos sa'kin hindi?"

"Sinabi niya sayo. Dalawa silang nagsasabi sayo at nagpaparamdam noon kung gaano ka ka-importante sa buhay nila." I smiled. "Aliyah Bernice, hindi porke't hindi naipaliwanag sa'yo noon ni Aidan ang tungkol dito, hindi ibig sabihin nun hindi mo nakasama ang isa pa niyang pagkatao."

"I-Ibig mong sabihin --?"

Tumango ako. "Ang Aidan na nakasama natin sa bahay na loko-loko, laging dikit sa'tin, at mapagmahal na kuya at sinta ay ang isa niyang personalidad. At ang Aidan na strikto sa buhay, lalo na sa trabaho, at matalino, siya ang pangalawa niyang personalidad. Siya si Ichiro. At dahil walang pagbabago ang pakikitungo nila sa'yo, hindi mo nakita ang pagkakaiba."

Suminghap si Abo. "Kahit na! Bakit hindi ko pa din nahalata? B-Bakit parang normal lang yung ganun ni kuya? Para lang siyang bipolar."

"Dahil nagawa niyang maging isa ang dual-personality niya. May mga times noon na hindi niya ma-maintain na pag-isahin ito, kaya minsan, kung maalala mo, bigla na lang siyang magagalit at magiging strikto? Tapos babalik sa pagiging malambing in just a snap?"

"Oo."

"Ayun ang mga panahon na hindi niya, in a way, macontrol ito, kaya parang ang dating eh bipolar siya."

Naguguluhan man si Abo, ngumiti pa din siya ng maliit. "Maiah, salamat sa pagsabi nito. I really appreciate it. Pero ano ang kinalaman nito kay Kieran?"

Ako ngayon ang naging seryoso. "Best friend ni Kieran si Ichiro at hindi  si Aidan."

"A-Anong sabi mo?"

Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon