HAPPY MOMMA'S DAY! ❤️
-Aks
---------------------------------------------------------------
The Underground entrance is inside an abandoned building.
Ang sabi sa'kin ni Mama Violet nun ay may iba pa daw na entrance ito, tulad ng club kung saan niya sinundan si Papa Sylvester. Pero building daw ang lagi niya noong naririnig pag may kausap si Papa sa phone.
And that led me to here.
Dahil na din sa mga pagsusubaybay ko sa mga tauhan nung Bianca Geytt ay natuklasan ko ito. Ang pinagtatakahan ko lang, may mga taong hindi taga-Underground ang nandidito din.
From what I learned, Underground is solely for those brotherhood members. But these other people have OUTLAWS word engraved in either their jackets, or body as tattoos.
What is going on here?
Nakapasok ako ng building dahil bago pa masara ng isang tauhan ang pinto, lumusot ako at pinatulog agad siya. I put him on the darkest corner behind some drums para walang makapansin dito.
From what Spade told me, everything in the Underground has a trap. Kaya naman, I looked around and tried to find a source of any trap wires or sounds, at ng makita ko ang isa, dinisable ko ito agad.
And that's what I did for the rest that I saw. It's timed naman kaya babalik ang pag gana nito after one hour. Kaya wala akong naging problema na makapasok sa loob, but after that was a different story.
There are so many hallways and I was left to guess which one to explore first.
"Hoy sino ka at anong ginagawa mo dito?" May biglang sumigaw na lalaki kaya napatingin ako.
Akala ko ako na ang kinakausap niya pero hindi pala.
There was another guy who he was yelling at na pinatumba agad siya. Dahil dito, nagkagulo na ng tuluyan.
Hindi sana ako mangingielam pero tumambad sa'kin ang mukhang ng lalaking nakikipaglaban sa mga Outlaws.
That's the guy from the bar! Yung kasama nung Angel!
Mukhang kaya naman niya ang sarili niya pero masyado pa ring marami ang kalaban... niya. Agad akong naghanap ng kahit anong mababato at may nakita akong mga pebbles na design ng isang display. Kinuha ko iyon at isa-isang binato ang mga kaaway nung Angel's guy para malito sila.
"Kuya Ivan? A-Anong -- bakit ka nandito? Shit! Nandito din si Angel ano? Fvck! Kaya pala nandito din siya!" Gulat na tanong ng bagong dating na lalaki.
Teka... siya yung Ivan?!
"Nice to see you too, Sed," Ivan grunted bago sinipa yung kalaban niya. "Sinong siya? At bakit nandidito ang mga Outlaws?"
May sinapak muna yung Sed bago nakapagsagot. "Bianca happened. Tss! She's in cahoots with them!"
"The hell?!"
"Maling desisyon ang pagpunta niyo dito, kuya." May binalian siya ng buto na isang Outlaw. "May inosente na namang nadamay!"
Gulat ang mukha nung Ivan. "A-Anong inosente? Sinong inosente?"
Hindi sumagot 'yung Sed, sa halip ay kinuwelyohan niya si Ivan. "Angel! Naririnig mo ba ako?" Nilagay ni Ivan ang earpiece sa tenga ni Sed. "Oo, ako 'to."
May para siyang mini-laptop na nilabas at mabilis na nag-type ng isahang kamay.
"Sed! Nahuli na nila si Daemon!" Sigaw bigla ng isang lalaking kamukha ni Sed.
BINABASA MO ANG
Forgotten Child
Fiction généraleLiving without knowing the mystery residing about the past was like living in the world with a blind eye. So, the search for the missing pieces of my puzzled history began. Secrets of the past will be revealed. What was stolen will be taken back by...
