Mahaba-haba ito, kaya go!
-Aks
------------------------------------------------------------------
"Ma'am? Medicine time niyo na po." Bungad ng nurse sa'kin na medyo alanganin pa. Siya ang mukhang nakatoka na mag-alaga sa'kin dito. Siya kasi ang madalas na nagche-check up sa'kin.
"Nurse, halos magka-edad lang ata tayo, wag na nga sabi akong tawagin na ma'am." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Maiah na lang kasi. Tsaka wag ka ng mahiya sa'kin! Ilang beses mo na ako chinicheck sa isang araw eh."
Ngumiti siya ng pabalik. "Mm, sige na nga. Kasi naman, akala ng lahat na mataasin kang tao kasi kilala mo ang mag-ari ng hospital na ito. Tapos, VIP ka pa talaga naming lahat, as in, top priority! Aba'y bongga!"
Natawa naman ako. "OA lang talaga kasi ang mga 'yun."
She leaned her head sideways a bit. "OA ba? Parang ang sarap ngang magmahal ng mga Ayala men eh! Hihihi!"
Ayan, hindi na nga nahihiya. Haha!
This hospital belongs to the second son of Mackenzie Ayala Krauss and Xian Rafael-Krauss, and his name is Xander Ayala Rafael-Krauss. Siya ang sumunod sa yapak ni Doctor Rafael in medicine field, pero ang pinangalan niya dito sa hospital niya ay AR Hospital.
Ayala-Rafael Hospital daw.
"Ay nakow, possessive sila, sinasabi ko na sa'yo. Kapag nahuli mo ang atensyon nila, 'ku po! Di ka na lulubayan nun. Mabubwisit ka lang!" Umiling-iling ako.
Paano kasi, ang doctor ko mismo ay si Xan — ay mali, Doctor Xander pala. Tapos laging nakadalaw ang kilalang tycoon na si Blaze Ayala tapos pati sila tito Blake at tita Lilac, tapos sila Dark at Abo, tapos si Bryce pa! Lahat sila puro may tatak Ayala.
And of course, hindi mawawala ang dadalaw mamaya na ina ng may-ari, si Madam Mackenzie pati ang ama ng may-ari, si Doctor Xian.
That reminds me of what I dreamed about when —
"Ay ganun ba? Ba't parang nakakakilig kaysa sa nakakabwisit?"
Ngumisi ako. "Lahat ganyan sa umpisa. Pag ikaw ang spectator, yes nakakakilig. Pero pag ikaw na ang participant, nakakaloka na! Lagi ka na lang magugulat na nandyan ang inagawan mo ng pansin. Nakabuntot ba?"
Her eyes went dreamy.
"Sounds romantic!"
"Pfft! Problematic kamo. Ano nga ulit ang name mo nurse? I looked at your nametag pero gusto kong manigurado kung paano sabihin."
"Oh! You pronounce it as Kaye-ren."
"Buti na lang talaga nagtanong ako, akala ko kasi Ka-e-ren. Alam mo 'yun? Parang pang anime lang?"
Nagningning ang mga mata niya. "Ay bet! Bongga din 'yun ah! Ka-e-ren. KYAAA!"
"Mahilig ka sa anime ano?"
Namula ang pisngi niya. "Oo. Weird ba? Ang tanda-tanda ko na, pero mahilig pa din ako sa mga anime, K-drama, at kung anu-ano pang nakakakilig na pang fangirl! Hihihi!"
"Hindi naman weird. It's your breather. Your way to unwind in this messy, challenging career you have."
"Naman ih! Shet! Kinikilig ako, Maiah! Thank you for looking at it that way."
"Haha! You're welcome! Ikinagagalak kitang makilala, finally, Kaeren."
"Ganun din ako, Maiah! Super, duper thankful talaga akong hindi ka brat tulad ng ibang mga pasyente na mayayaman. I mean, when I first saw you, tingin ko okay ka naman talaga, kaso alam mo naman, chika-chika kaya ayun."
BINABASA MO ANG
Forgotten Child
General FictionLiving without knowing the mystery residing about the past was like living in the world with a blind eye. So, the search for the missing pieces of my puzzled history began. Secrets of the past will be revealed. What was stolen will be taken back by...