Fifty-sixth Chapter

199 11 4
                                    

Tulad ng sinabi ni Kieran, engrande nga ang pangalawang kasal namin, two weeks after kong ma-discharge from the hospital.

Starting from the venue, to the whole catering and reception. Pati ang pagkakaroon ng video cover throughout the entire thing! Tapos ang background music namin? Live orchestra lang naman.

"Mamao, second time around na nga ang wedding mo, pero outside Wedding pa din?" Tanong ni Aliyah habang nilalakad niya ulit ako papuntang altar kung saan nag-aantay ang already-husband kong si Kieran.

"Believe it or not, Aliyah, it's my dream to get married in a nature venue. Gusto ko presko ang hangin at hindi galing aircon."

Nature Wedding siguro ang tawag sa theme ng wedding ko kasi talagang mga puno ang makikita dito sa lugar. Para siyang isang malaking garden tapos ang pinakapuno kung saan nakatayo at naghihintay ang aking asawa ay parang 'yung nasa Mulawin.

Mataas, tapos madaming sanga na may designs ngayon na lights para sa kasal ko.

"Ikaw na, Mamao. Kakaiba ka! Imba din!" Nakarating na kami kay Kieran. "Tsk, tsk, hanep ka talaga Kieran! Alam kong nasabi ko na ito at asawa ka ng naturingan ng best friend ko, pero inuulit ko, siguraduhin mong titino ka at hindi mo papaiyakin si Maiah!"

Ngumiti siya dito. "Oui Madamoiselle."

"Kdot. Here's her hand again. Kayo na!"

"Aliyah." Pinaglakihan ko siya ng mata. She gave me a peace-sign bago pumunta sa pwesto niya as the Maid-of-Honor, tabi ng mga bridesmaids na sila Siance, Doctora Niets, at Say.

Dapat nga si Your Highness, Mark, eh kasama din kaso may mas gusto siyang role kaysa bridesmaid.

Ito namang asawa ko, ang kinuhang Best Man ay si Dark. To represent Aidan dahil siya daw ang brother-in-law nito dahil kay Aliyah, na sinang-ayunan naman nila Bryce, Daemon, Aerth, at Gelo dahil sa kanilang samahan. At ang apat na 'yun ang groomsmen.

"Tu es si belle ma femme. So, so beautiful." My already-husband uttered to me as his hands tightened a bit on my waist.

I caressed his cheeks as my thumbs wiped off his tears. "Only in your eyes, I am."

"Damn right. And if you want to get married again, mon cœur, I will gladly get married to you again and again, my beautiful wife."

"Hindi na, tama ng nakadalawang kasal na ako sa'yo."

"Are you sure?"

Marahan akong tumango. "Mhm. Very."

He touched his forehead to mine. "I won't ever, ever, ever make you cry, Maiah Adria Omlin Casteñeda."

I couldn't help but smile as he remembered what I told him about sa pagkikita namin ni kuya at sa pinapasabi ni Dan.

"Takot mo lang kay Aidan?"

He chuckled. "Takot ko lang kay Aidan, definitely. Pati sa kuya mo, at kay Nanay Yasmine. Mas lalo na sa mga magulang mo at best friend, tapos pati mga pinsan. Mon Dieu, that's a lot!"

I giggled. "My God talaga." Bumaling ako sa Padre. "Father, pwede po bang skip to vows na agad?"

Natawa siya pati ang aming mga bisita.

"That's my sissy-in-law! WHOO!" Sigaw ni Siance.

"Go go go, little Maiah girl!" Rinig kong cheer ni Doctora Niets Neknarf.

"IKAW NA MAMAO!" Of course, si Abo.

At nagkandahalo-halo na ang sigawan at kantyaw nila, pati ang mga kalalakihan nakisali na din. Kahit nga pati ang mga magulang kong naka-Video Call eh nakikitukso din, pati nga sila tita Zie, tita Lilac, lahat sila!

Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon