Thirteenth Chapter

297 13 6
                                    

"Here," binato niya sa'kin ang helmet bago sumakay sa mamahalin niyang motorbike. "Wear it."

Nasalo ko naman ang itim na helmet bago ko siya tinaasan ng kilay. "Nasaan ang sa'yo?"

He shrugged. "I don't need one. Let's g —"

"Huh."

He stared at me as I stared back at him, then he sighed. Tumayo siya ulit at tinaas ang upuan niya para kunin ang spare helmet. Mas maliit ito kaysa sa binigay niya sa'kin.

"There," pagsuot niya. "Happy?"

I beamed at him. "Very!" Sagot ko at sinuot ko na din 'yung helmet. Kaso, dahil malaki ito, medyo nahulog pa siya pagkasuot ko.

That made him chuckle. "Heh, let me help you," ang tanging narinig ko galing sa kanya bago ko naramdaman ang dalawa niyang kamay sa bewang ko at hinigit niya ako papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nito pero hindi na nahuhulog yung helmet sa'kin. "You have a small head? Nah, you just didn't wear it properly."

I rolled my eyes. "Asejkjdfhjkdlawoijlsdlaalamm! Aklmdmfjgmsjfm." I said in gibberish dahil natatakpan ng helmet yung bibig ko.

Spade held the helmet on both sides before lowering his head to level with mine. And yes, he is smirking. "Did you say 'Thank you, my Spade, my hero'? Aw, you're very welcome, Beanie Girl."

Utot ka, Spade! Ang layo ng sinabi kong, "Hindi ko kasalanang malaki ang ulo mo! Tama kaya ang pagsuot ko," sa interpretation mo.

Nagsmirk na lang ulit siya bago niya binaba 'yung pangcover sa mata at sumakay na sa bike.

"Hop in." Pagkasabi niya nun ay nilahad niya ang kamay niya at kinuha ko ito dahil alam kong magagalit siya pag di ko siya hinayaang alalayan ako.

Laki-laki kasi ng bike. Siguro kung pinatayo ito, di-hamak na mas matangkad pa 'to kaysa sa'kin.

"Hold on tight," I heard from him as I hugged his waist before the bike roared to life.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa bike niya. Ilang beses na ba? Ewan, basta yung unang time ay yung pagkatapos ng tournament noong college days pa. Noong tahimik lang ako at nagmamasid. Sa kanya ako nakiride dahil puno ang mga sasakyan dahil sabay-sabay na umuwi ang mga Gamers sa Academy.

Dapat talaga sa café kami maguusap ang kaso nga lang, sabi ni Spade, we need privacy. Kaya eto kami ngayon, on the road to I don't know where. Siya lang ang nakakaalam eh.

"You okay back there?" tanong niya sa'kin ng magstop kami sa red light.

"YESH!" sagot ko na may halong tango.

"Good, we're almost there."


-x-


"Um, Spade?"

"Yes?"

"Nasaan tayo?"

"What kind of stupid question is that, Adria?" Liningon ko siya at nakitang nakakunot ang noo niya. "Isn't it obvious what place this is?"

Dahil naglakad ako ng medyo papalayo after kong bumaba ng bike niya, lumakad ako pabalik sa kanya at pinalo sa tiyan niya ang helmet na hawak ko.

"Alam kong kulungan ito," I hissed at him. "Ang ibig kong sabihin, saang lupalop ng bansang Pilipinas mo ako dinala? Kung makapagtanong ka diyan!" Hinampas ko ulit siya bago niya ito kinuha habang nagchu-chuckle.

Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon