I noticed you noticed this story. THANKS a bunch!
-Aks
-----------------------------------------------------------------------------------
"You sure took your time, little Maiah. Oh and welcome back."
Iyan lang naman ang bungad sa'kin ng nag-iisang Sylvester Theo Travis.
"Kailangang hintayin ang resulta ng DNA test," sagot ko at naupo sa upuang inusog ni Kieran. Same pwesto kami tulad ng dati. Kinuha ko sa bag 'yung result at inabot sa kanya. "The proof. I'm your and mama Violet's daughter."
Kinuha niya ang papel at binasa ang nakasulat dito. Hindi nakalagpas sa'kin ang panginginig ng mga kamay niya.
"I knew it, I knew it, I knew it," he muttered to himself. "Paano na ito ngayon? Paano na? Alam na kaya nila?" At ang dami pa niyang bulong na mga tanong.
Nagkatinginan lang kami ni Kieran.
"Go!" Biglang sigaw nito at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Please, Maiah, go. U-Umalis ka ng bansa! Magpakalayu-layo ka! Go and leave, please!"
Imbes na matakot ako ay naramdaman ko ang takot na nararamdaman niya. His eyes are watering right now.
"Please, anak," humagulgol na siya. "Umalis ka na, please."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "No. Hindi po ako aalis." Umangat ang ulo niya and our eyes met. "Nabigay ko ang gusto niyo. Napatunayan kong anak niyo ako. Nasagot na ang mga tanong ko tungkol sa pagbubuntis sa'kin ni mama Violet. Ngayon, it's your turn to tell me what am I really going to face as a Travis."
He faltered. "P-Papatayin ka nila, anak," umagos na ng tuluyan ang kanyang mga luha. Tumayo na ako at niyakap na siya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa'king nakikita. Alam kong wala naman kaming pinagsamahan noon pa pero...
Ang sakit makitang umiiyak ang sarili kong ama.
"S-Sino ho ang papatay sa'kin?" pagtanong ko.
Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan niya ang mukha ko. "I've always been a bad guy, Maiah. Marami akong pinatay at sinagasaang buhay noon."
"Ang ibig niyo po bang sabihin eh ang mga papatay sa'kin ang mga nasagasaan niyo noon?"
Umiling siya.
"Little Maiah," hinaplos niya ang ulo ko. "I was a part of dark brotherhood in the Underground World. And I wasn't just an ordinary member. I was an official and my main duty was to clean the path of the higher-ups. I was the executioner. In our brotherhood, I was the Sgt. at Arms."
Napasinghap ako sa sinabi niya.
Alam kong may madilim na nakaraan ang aking ama pero kahit anong handa ang ginawa ko for a week, iba pa rin talaga kapag sa kanya mismo nang galing ang mga impormasyon na ito.
Binuhat ni Kieran ang isang upuan at nilipat kung nasaan ako. Pinaupo niya ako doon para di ako mahirapan. Ngayon eh hawak-hawak ni Papa ang mga kamay ko.
Papa... ang weird pero ang sarap sa pakiramdam na may papa na akong tinatawag.
Tinignan niya si Kieran bago bumaling sa'kin ulit.
"What I'm about to tell you," he begins, "are the consequences of being my child, little Maiah."
I gulped then nodded.
"Like what I just said, I was the Sgt. at Arms. Ako ang gumagawa ng paraan para mabura sa lipunan ang mga taong kumakalaban sa brotherhood. Kung hindi man kumakalaban eh mga sagabal sa plano namin. The brotherhood is composed of four officials: the President, the Vice President, the Secretary, and the Sgt. at Arms. Galing sa mga makakapangyarihang pamilya ang apat na ito, and yes, Travis used to be a part of this circle."
BINABASA MO ANG
Forgotten Child
Ficción GeneralLiving without knowing the mystery residing about the past was like living in the world with a blind eye. So, the search for the missing pieces of my puzzled history began. Secrets of the past will be revealed. What was stolen will be taken back by...