Thirty-ninth Chapter

137 11 0
                                    

"L-Labs..."

Humakbang papalapit si Dark kay Abo at hinapit nito ang bewang niya. Halatang galit. "Who? Who will dare to take you away from me?"

I raised my hand to get his attention. "Uh, hi, um Dark."

Kunot ang noo pa din niya ng tignan ako. "Maiah."

Umubo ako. "Walang kukuha kay Abo, Dark. Kaya wag kang mag-alala."

Bumalik ang tingin niya sa fiance niya. "You're not going anywhere. Do you hear me?" Hawak niya ang ulo ni Abo. 

Tumango si Abo. "Okay." Mahina niyang tugon at hinalikan ni Dark ang noo niya bago siya niyakap at bumaling sila ng sabay sa'kin.

"What brought you here, Maiah?" takang tanong ni Dark.

I looked at my best friend first before answering his question. May nilabas ako sa bag ko. "I need help." Tinaas ko ito.

"To fix a broken drone?" Kunot ang noo ni Dark.

Lumakad papunta sa'kin si Abo at binigay ko sa kanya ang drone. "No."

Uh-oh. Bernice is back.

Nilingon niya si Dark, and I saw how his expression changed into confusion as he saw this side of his fiance. 

"Not to fix, Dimitri, but to hack."

Binalingan ako ni Dark at nakita kong muli ang gamer side niya. His Joker side. "I'll contact the best one in all of us. I'll get Clove to check it out for you."

"Thank you." Okay lang naman na ako na mismo ang lumapit kay Clove, a.k.a. Gelo Cruz, ang kaso nga lang, wala na akong kontak sa kanya.

He nodded at me before turning back his attention to Bernice. "About time you and I to finally meet, my other fiance."

-x-



"Dark, my man!" Bati agad ni Gelo, ang Master Clove namin noon ni Abo, kay Dark ng dumating siya sa bahay.

Nag-bro hug silang dalawa bago kami nilingon ni Abo.

"Ah, at ang dalawa kong paboritong gamers." He made a fist in both of his hands at nagfist bump kami with him. "Sorry ladies, as much as I know na hindi tayo talo, may cute na pretty akong asawa't anak, at malilintikan pa ako dito sa isang 'to kapag niyakap greeting ko si Aliyah."

Natatawa niyang sabi.

"Buti alam mo," side-comment naman ni Dark.

"So? I got the jizz of why I'm needed," he clapped his hands. "Now where's the toy?" Inabot ko sa kanya ang drone na sinira ko at sumipol siya. "Man. What happened to this one? Got stabbed or something?"

"Or something," maikli kong sagot. Tinignan niya ako tapos bumalik sa drone, tapos akin ulit, tapos sa drone.

Natawa si Abo. "Yes, naman, Gelo, kahit kami ni Labs di makapaniwala. And do you want to guess how and with what?"

"Uh, nagalit siya sa drone at tinusok ito?"

Napangisi si Dark, tumingin ako sa iba, habang si Abo naman ay tawang-tawa.

"EENGKK!" Pinagcross niya pa ang arms niya. "Nakita niya lang naman na lumilipad ang drone, so kumuha siya ng dalawang pen at binato niya ito. The end!"

Nganga ang itsura ni Gelo sa nalaman at tinignan ako. 

"Damn, girl! You mad?"



-x-

Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon