Twenty-eight Chapter

158 12 2
                                    

I will try to update twice a day from now on.

Stay safe everyone!

-Aks

---------------------------------------------------------------------------


[BALIW KA TALAGA!]

I just rolled my eyes as she shouted that over the phone. Here we go again...

[Sira ka talaga, Maiah Adria Omlin Kizon Travis!]

"Hoy, Aliyah Bernice Oleen Rafael-Krauss, tigilan mo ako. I'm just calling you para i-inform ka about sa mga gagawin ko. I don't want to get an earful from you kung bakit ako hindi nagparamdam ng mahabang panahon na naman."

Nakarinig ako ng tiling kinikilig. [Memew nemern ih! Eneber? Cemeng seen pe 'yeng lest nemes ne 'yern. Ekew nemen! Mesyede ker! Keleg teley eke, iiihhh!]

Napaface-palm ako dahil tumabingi na naman ang bibig nitong babaeng ito. Basta pagdating sa asaran ng last name, nauuwi kami sa kanya na kinikilig.

Hay, Aliyah.

"Mhm. Oh sha, mauna na ako. I'm almost there na din."

Dito ako hanga kay Abo dahil simula ng nag-aral siya about sa mga Ayala and nag-start makihalo-bilo kay Her Highness and the rest of the Ayalas, naging mature na siya whenever its needed. Tulad na lang ngayon, bigla siyang naging seryoso.

And it wasn't because her other personality.

[Okay. Be sure to come back safe, Maiah.]

"Not making promises, but I'll try."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. [Wala akong masasabi na makakapigil sa'yo, so, okay. I'll live with your 'try.']

I nodded kahit hindi naman niya ako nakikita. "You be careful, too."

[Oh yes naman! Ako pa ba? At tsaka  di ba nga sabi ni Lalabs Dim? May nagbabantay daw sa'kin for double security.]

Napakunot ang noo ko. "Akala ko ba ayaw mo ng may magbabantay sa'yo?" 

[Hay naku, Mao. Ayoko talaga, kaso mukhang may kung anong nangyayari ata sa kung saan man, kaya kailangan daw 'yung double security. Hindi ko naman daw malalaman na may nagbabantay sa'kin eh kasi di ko siya kilala AT hindi ko daw siya makikita.]

"May tumatarget sayo? Bakit hindi mo agad sinabi —"

[Hephephep! I will be fine, Mao, kaya wag kang mag-alala. At tsaka di naman sure kung may nagtatarget sa'kin. About naman sa aking magiging taga-bantay eh ngayon ko lang din ito nalaman, okay? I'm under the care of the Ayala, Mamao, kaya wala kang dapat ipagalala.]

Huminga ako ng malalim. 

Mata niya lang ang walang ganti kapag nalaman kong may nagtatarget nga sayo, Abo.

"Whatever you say won't stop me from worrying about you, Aliyah," I sighed again. "But okay, fine. I trust you if you say you'll be okay."

I have this underlying feeling too na dahil sa'kin kaya may nagtatarget sayo.

[I will definitely and absolutely be a-okay!]



-x-



Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon