Twenty-fourth Chapter

238 13 2
                                    

"Mama.. Nung nagpretend po ba kayo na buntis kayo sa kulungan, sinaktan o sinugatan niyo po ba ang sarili niyo?" tanong ko kay Mama Violet bago kami umalis ni Doctora Niets.

Medyo nagulat si Mama sa tanong ko. "Oo, sinugatan ko 'yung magkabila kong wrists para sa dugo kunwari na galing sa panganganak ko."

"Tapos ganun na kayo natagpuan ng mga police po? Duguan at walang malay?"

"Yes, ganun nga."


May nag-snap sa harapan ko na nagpabalik sa katinuan ko.

"Babe? You alright?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Blaze.

"I zoned out. Sorry," sabi ko na may iling.

"What were you thinking?" tanong nito sabay upo sa gilid ko.

"Naalala ko lang 'yung paguusap namin ni Mama. Totoo nga ang sinabi mo sa'kin na sinaktan niya ang sarili niya tulad ng pananakit ko sa sarili ko nung nasa persona niya pa ako," I sighed. "Sorry ulit. Nasaan na ba tayo sa lesson?"

Saglit niya akong tinignan bago bumalik sa pagiging serious face.

"Ilang araw mo na ding pinagaaralan ang Cordova at Escalante families, tell me. You think you know their histories well enough?"

Tumingin ako sa laptop na nasa mini-table ng library office na ito. The table is messy due to different papers and folders that I had been studying for a couple of days now. Sa ilang araw na iyon ay tinutukan ko ang sinabi ni Blaze na dapat kong pag-aralan.

"Yeah, medyo alam ko na sila," sabi ko habang marahang hinihipo 'yung libro na hawak ko na about sa Cordova at Escalante, with a bit of Ayala — the Shadow's Revenge. "Grabe pala Blaze ano? Masyado silang strikto at matitigas ang mga kalooban. Biruin mo, kahit sariling kadugo kikitilin nila ng buhay o papahirapan o di kaya nama'y, itatakwil kung nagkasala sa pamilya. O di kaya, kapag hindi sumunod sa head of the family, automatic listed na ang name sa dead list!"

"That is what keeping those two families strong. They have this, what we can say, partner-in-crime relationship," Blaze looked at the papers on the table. "If there's a Cordova, there's an Escalante. If there's an Escalante, there's a Cordova. Obvious or not, they have each other's back, somehow or another."

Napa-nod ako. "Kaya pala hindi nilulubayan ni Derrick Escalante si Aida Nemesis Cordova kahit anong tulak niya dito."

Aida Nemesis Cordova, the twin sister of the late Alia Nissa Cordova. Her story was quite terrifying and really evilly twisted. No wonder naging ganun katigas ang loob niya hindi lang sa ibang tao, pati na din sa mismong pamilya niya. At kahit ang pamumuhay under her own late sister's name ng halos buong buhay niya ay nagawa niya.

Napabuntong-hininga ako.

"You okay?" tanong ni Blaze.

"Oo naman, nakakaloka lang ang history talaga!"

Natawa siya. "That's what makes it more interesting and entertaining, isn't it?" Napailing ako. "Babe," he took my hand. "Don't make this a big deal. Simula pa lang ito ng mga matututunan mo."

Tumango ako. "Nakakamangha din pala ano? Nakuha ni tita Zie ang tiwala ng Cordova at pati na din ang Escalante, tapos ngayon, business partners at friends na sila."

"Ayala and Cordova, yes, but Ayala and Escalante?" Blaze gave me a secretive smile. "Adria, there's more to those latter families than you could think of right now."

Napakunot-noo ako. "Maaral ko din ba 'yun? Parang nakakaexcite 'yun ah! Ayala and Escalante? Nasaan na ang mga papel? Gusto ko ng mabasa!"

Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon