"Grabe, kung saan-saan kita hinanap! Dito ka lang pala nakatambay," hingal na umupo sa gilid ko si Aliyah. "O, anong meron at bakit mo naisipang dalawin si kuya Aidan?" Tumingin siya sa puntod nito. " 'Sup kuya? Still getting up with just the sight of your beloved Mai —"
"Mamili ka: sasalaksakin ko 'yang bunganga mo gamit ang kamao ko o hahatakin ko ang ngala-ngala mo at tatapakan ng pinong-pino?" Putol ko agad sa kanya.
"He-he, suri na pu," nagpeace sign siya sa'kin. "Ikaw naman, Mamao, masyadong serious. Ano bang atin? Why being so moody? Are you on your period?"
Napabuntong-hininga ako while rolling my eyes. "I'm here dahil gusto ko lang mapag-isa."
"At bakit?"
"Dahil ang dami kong katanungan na tanging si Aidan lang ang pwedeng sumagot... pero wala na siya, kaya hanggang tanong lang sa hangin ang pwede kong magawa," sabi ko.
Kinamot niya ang ulo niya. "Teka nga Maiah, ano ba ang mga katanungan mo at pati ang namayapang kong kapatid eh binabagabag mo?"
Tinignan ko sa mga mata si Aliyah bago ako sumagot.
"Sino ako?" I stared at her. "Ano ang pagkatao ko? Sino ang tunay kong mga magulang? Bakit nila ako pinabayaan? Bakit wala ako sa piling nila? Ayaw ba nila sa'kin? Iniwan ba nila ako o naiwala nila? Hinahanap din ba nila ako o sumuko na sila noon pa? Ano ba talaga ako? Kaninong dugo ang dumadaloy sa mga ugat ko? Kaninong pangalan? Mayaman ba ako? Mahirap? May-kaya? Ano —"
Naputol ang mga pagtatanong ko dahil bigla akong niyakap ni Aliyah. "Maiah tama na," suminghot siya. "Mas sinasaktan mo lang sarili mo sa mga tanong mo. Tama na, please... ayoko... ayokong nakikita kang umiiyak." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin. "Nasasaktan ako."
A-Ako? Umiiyak...?
Binitawan ako ni Abo at pinunasan ang mga luha ko. "Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa mga tanong mo, Mao, pero," suminghot siya saka hinawakan ang magkabila kong balikat. "Kung makakatulong ang sinabi sa'kin ni kuya noon, sasabihin ko na."
Napakunot-noo ako. "May sinabi si Aidan sa'yo tungkol sa'kin?" Tumango siya. "Bakit hindi mo sinabi agad?"
"Eh kasi Mao! It didn't make sense when he told me that. I thought he was just making it all up, pero ng nagtanong ka noon about sa story kung paano tayo nagkasama-sama at nagkwento si kuya, dun finally nag-make sense," she pouted. "Sorry na, I forgot na din kasi 'yun eh. Naalala ko lang ngayon."
I took a deep sigh. "Okay, sige, simulan natin sa umpisa para malinaw."
"Sige, sige," sang-ayon niya saka umupo ng maayos. "Sa kwento ni kuya tayo magsisimula, right?"
Tumango ako. "Yes," tumingin ako sa puntod ni Aidan at hinaplos ang pangalan niya. "At saksi ka ngayon mismo sa magaganap, AIdan, dahil lintik lang ang walang ganti kapag hindi nasagot ang isa sa mga tanong ko. Makikita mo, mago-ouija ako para matawag lang ang kaluluwa mo!"
Pinalo bigla ni Abo ang kamay na pinaghahaplos ko. "Tigilan mo nga 'yan Mamao! Grabe ka sa kuya ko!"
"Kilala ako ng kuya mo, Abo, at ganun ka din. Basta't sinabi kong gagawin ko, gagawin ko."
"At walang makakapigil sa'yo. Amen to that!"
"Sira! Game na sa umpisa," huminga ako ng malalim. "Tita Asmin, yours and Aidan's mom, had a best friend named Yasmine Oleen. Si nanay Yasmine ang nag-adopt sa'kin. I was merely a newborn baby when nanay found me inside a dumpster."
BINABASA MO ANG
Forgotten Child
Genel KurguLiving without knowing the mystery residing about the past was like living in the world with a blind eye. So, the search for the missing pieces of my puzzled history began. Secrets of the past will be revealed. What was stolen will be taken back by...