Forty-fourth Chapter

135 10 0
                                    

Kung bakit paborito ni Spade ang mabaho na nga, abandona pa na gusaling ito, hindi ko alam.

Hindi ko na din tinanong dahil baka another history na naman 'yan na pag-aaralan ko. Jusko, tama na muna!

Nakasandal ako sa madilim na sulok habang nakahalukipkip. I'm wearing one of my body suits dahil mas madaling gumalaw kapag ito ang suot. Pero hindi ko na tinakpan ang mukha ko, and my hair is tied up into a bun.

Maya-maya pa dumating na siya.

She's wearing a leather jacket and black t-shirt tapos black leggings.

Comfy.

"You really don't want me to come after you, huh?" She said to the air. "I know you're here. Why don't you show yourself?"

Tumayo ako at nagpapagpag habang naglalakad papunta sa kanya. Then I bowed elegantly.

"Your Majesty."

"Cut the crap."

Nagtitigan kami and I couldn't help but feel amused.

"Now what, Your Majesty? Magtititigan lang ba tayo dito?"

"Ano ka ni Blaze?" 

Ay matapang pagdating kay insan?

"Wala ka na dun."

Tiim-bagang niya akong sinamaan ng tingin. "Are you his girlfriend?" Tumaas ang kilay ko. "Ikaw 'yung babe niya di ba? Ikaw ang nagpapangiti sa kanya kapag natawag ka. Ikaw ang babaeng kasama niya at kayakap niya sa club at sa ospital. Ikaw, di ba? Di ba?! Sumagot ka!"

I crossed my arms. "Ano naman sayo kung ako nga? Ano ka ba niya?"

She crossed her arms too. "So you're a whore."

Anong sabi?

"Excuse me?"

"You heard me," pigil na inis niya. "You're a whore, ulitin ko para mas rinig." Napalitan na ng galit ang mukha niya. "You. Are. A. Whore. Pati ang taong may kinikita ng iba, nilalandi mo pa! Makati ka!"

Humikab ako. "Tapos ka na? Kasi kung oo, baka pwede ng next topic? Blaze is Blaze. Kilala ko kung kanino siya baliw na baliw." I smirked. "Ikaw, kilala mo ba? Kilala mo ba kung sino ang babaeng hinahalikan niya, hinahanap-hanap niya? Ang babaeng nagpapabaliw sa kanya sa utak, sa puso, at sa kama?"

Sumabog na sa galit si Angel at sinugod na niya ako. Panay ang target niya sa mukha ko na naiilagan ko naman ang iba, pero yung iba nasasangga ko.

"HAHAHAHA!" Tawa ko. "Kilala mo ba Angel? Kilala mo ba kung sino ang pinakamamahal ni Blaze? HAHAHA!"

Medyo nagkadistansya kami pero she used it to her advantage. She ran and jumped to give me a drop kick na nasangga ko ng ipa-X ko ang dalawa kong kamay.

I quickly grabbed her foot and twisted it bago siya tinulak. She ended up lying on the floor.

"C'mon Angel. I thought you're better than that. Tsk, tsk, tsk." I tilted my head. "Iyan lang ba talaga ang kaya mo?"

"Shut up!" Umatake na naman but I blocked it with my left arm and I used my right hand to land a blow to her side. "Ahh!" She staggered backwards while holding her side. "You little fvck."

I gave her a bored, taunting look. "Ito na 'yun? Ito na ang kaya mo Pre-si-dent?"

Nanlaki ang mga mata niya. "P-Paano mo... Anong alam mo dun?! Bakit mo alam ang about sa posisyo --"

"Ang dami mong tanong ano? Ganto, kapag natalo mo ako, sasagutin ko lahat ng katanungan mo." I smiled. "Deal? Deal! Okay! My turn!" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at ako na ang sumugod.

Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon