Twentieth Chapter

273 14 2
                                    

"I didn't get pregnant after getting locked up," mahinang simula ni Mama Violet. "What I told you before? That was the real time period of my pregnancy."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang si Doctora Niets naman ay nakasandal sa bintana at tinitignan ang kanyang kuko.

"Lahat ng sinabi ko when you first got here... they were all true. Hindi ako nagsinungaling nun although I just made it seem like it was dahil nagbabaliw-baliwan ako kaya parang hindi kapani-paniwala ang mga sinabi ko."

Nakatingin lang sa mga kamay niya si Mama habang nagkukwento. Halatang nahihirapan siya.

"Pero po," saad ko. "Bakit? Bakit niyo po kailangang magpretend na baliw kayo Mama? B-Bakit niyo pa po kailangang palabasin na nanganak kayo habang nakakulong kayo sa women's jail? Bakit kailangan niyo pa pong gawin ang — ang lahat ng ito?"

Bigla niyang inangat ang ulo niya at nagtama ang aming mga mata. And that moment, tumulo ang kanyang luha.

"To protect you, baby," she cried. "I did all of this to protect you."

Hindi ko na napigilang umiyak. Tumayo na ako at pinuntahan si Mama saka niyakap ng mahigpit.

"Mama ko!"

At sa wakas, ang kinaaasam kong yakap ng tunay kong ina ay naramdaman ko na din ng gantihan niya ako ng yakap ng mahigpit na mahigpit.

"Sorry, anak, ha? Sorry dahil ang dami kong kasalanan at pagkukulang sayo simula ng ipanganak kita. Sorry dahil ang dami-dami k-kong pasakit na binigay sayo. Sorry dahil hindi ako naging mabuting ina at ginawa pa kitang tanga, pinagkaila, at p-pinagtabuyan. B-Baby ko, you have no idea how much I wanted to hug you that day when you first came here," she sobbed.

"Gustong-gusto na kita nung yakapin," mas hinigpitan niya ang yakap niya sa'kin. "Gustong-gusto na kita ulit kitang mahawakan. Ang s-sabihin ang totoo sa'yo, ang m-magpakilala sa'yo na, 'Oo, ako nga, ako nga si Violet Kizon. Ako ang tunay mong ina!' Gustong-gusto ko, anak," mas lalo kaming nag-iyakan. 

Pero bigla niyang hinawakan ang mukha ko para magkatapatan kami.

"M-Ma?"

Nginitian niya ako habang natagas 'yung mga luha niya. "Anak, ako ang mama mo. Mama mo ako, 'nak. Ako, ako talaga ang mama mo. A-Ako 'yung nagdala at nagpanganak sa'yo. Ako talaga 'yun. A-Ako —"

I hugged her neck that made her stop from talking. "Alam ko po, Ma. Ikaw po talaga ang mama ko. H-Hindi ko naman po 'yan pinagdudahan eh, mama Violet."



Magkatabi na kami ng upuan at magkahawak ang aming mga kamay. Parehas na kaming nahimasmasan dahil na rin sa tulong ni Doctora.

Binigyan niya kami ng tig-isang bote ng tubig dahil may kung sino siyang inutusan na nurse at inihatid ito sa room. After nun ay tinalakan niya pa kami na tama na daw sa drama dahil wala kaming matatapos kung panay kami sa iyak.

"Seriously? We all get it now. Nagkaaminan na kayo ay tunay na mag-ina. Done! Enough with the tears, jeez! Paano malalaman ang katotohonan kung puro kayo iyak? Tapos na 'di ba? Move on na! Go to the next point of the story! Don't waste any more time by repeating again and again that you, Violet, is her mother and you, little girl, is her daughter. Like, really, seriously? Move on!"

At ngayon nga eh bumalik na si Doctora sa bintana at nagmamasid na lang sa labas.

Suminghot muna ko bago magtanong. "B-Bakit niyo po ako tinago, ma? Bakit po ganun 'yung mga ginawa niyo?"

Forgotten ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon