ÿþ[23] Awkward Moment.
After nung scene namin na yun sa bahay. Di na ulit kami nagka-usap ni Jeanne. Ewan ko pero parang nagkahiyaan kami bigla dun sa sinabi nya at sa sinabi ko rin na unexpected na lumabas sa bibig namin.
Nagkakasalubong kami. Nagtitinginan lang tapos sabay iwas nang tingin sa isa't isa. Napapansin na nga nung mga kasama namin. Awkward nga e. Magkasama kaming nag-la-lunch pero di kami nagpapasinan..
'Di na nakatiis mga IRPs
''Patrick tol, Amarie.. Ano bang nang-yayari sa inyo? Bat di kayo nagpapansinan?'' - Ethan na parang gulong gulo sa mundo at napatayo pa.
''Oo nga. Bakit nga ba?'' - Matt sabay subo nang siomai.
''Oo nga. May problema ba?'' - Chris sabay subo din nang rice na may ulam. Beef teriyaki ata?
''Oo nga, sis. Bakit ang tagal nyo nang hindi nagpapansinan ni Pat? Pansin ko rin yun.''
Nagkatinginan pa kami ni Jeanne sabay lingon sa kabilang side at sabay ding nagsabi nang dry na dry at sobrang tipid na..
''Wala.'' Sabay kagat ni Jeanne nang sandwich at higop naman ako nang milk tea.
''Meron nga.'' Bulong nung mga kasama namin.
Eeesssshhh! Kasi naman! Bakit ba kasi sinabi nya un?! Ayan kung ano-ano din tuloy sinabi ko?! (refer to Chapter 22 : Mood Swings)
Tahimik na kaming kumain lahat.
''Aish! Ano ba talagang problema?! Nakakabingi ung katahimikan.'' Si Matt. Sabay sabay pa kaming napatingin sa kanya.
''Matagal na kaya kaming di nagpapasinan. Ngayon nyo lang napansin.'' bulong ko. At napatingin kay Jeanne dahil magkahawig pa kami nang bulong. Magkatapat kami nang chair e. Sabay iwas ulit.
''Hay. Mukha wala tayong mapipigang sagot sa dalawa na'to. Isa lang ang makakatulong satin.. Kung ayaw nila sabihin..'' sabay hugot ni Sha nang fone nya..
O___________O!!
''..Tatawagan ko si Tita Mildred.''
''Wag! / No!'' sabay ulit naming sabi.
''Hoy. Kayo. Hawakan nyo ung dalawa at baka makuha ung fone ko.'' Sabi Sha. Palibhasa wala pa si Xyrus na pipigil sa kaberatan natong babaeng 'to.
''Game.'' nagsigtayo ung tatlo at hinawakan kami.
Si Ethan lang un nakahawak sakin.. Si Matt at Chris naman kay Jeanne.
''Hey! Sharmaine! Don't! Aish! Let go! No! Aish!''
''Hoy! Babae! Wala nama---''
''Hello? Tita?''
May pinindot sya at na-loudspeak ung fone narinig kong nagsasalita si mama..
(Hello? Sharmaine, iha?)
''Takpan nyo bibig.'' senyas nya dun sa tatlo.
''Ah.. Tita.. Kamusta po ba?''
(Mabuti naman.. May problema ba jan?)
''Ay, nako wala po! May gusto lang po akong itanong sa inyo..'' Napatingin pa sya samin habang naka-smirk.
(Ano yun?)
''Alam nyo po ba kung bakit di nagpapansinan si Patrick at AMY?''
(Ay! Nako! Hahahaha!)
'Mama! Utang na loob!' sabi ko sa sarili ko.
(Un ba? Hahahaha)
''Tita, bilis. Ano po? Bakit?''