[24] Another side of the story.
''AMARIE! AMARIE! Halika naaaaa! >O<'' Parang bata na sabi sakin ni Matt at Chris.
Ang kulit nang dalawang 'to! Kanina pa sila promise! KANINA PAAAAA!!
''ANO BA NAMAN?! DI BA TALAGA KAYO TITIGIL?!'' -_____-+++
O_________o! mukha nung dalawa. Naiirita na talaga kasi akooooo. >O< Ang kulit! ANG KULIT KULIT!
''Wag mo naman kaming sigawan, Amarie!''
''Che!'' -_______-+++ Naiirita ako. Naiinis ako. Nanggagalaiti ako.
''Hey. Hey. Wait up.'' May humawak bigla sa braso ko.
''An--?'' Si Jeanne. >O<;
''B-bakit?''
''A-ah. Wala.'' Tapos tumalikod sya bigla. Problema nya?! Tatawag tawag wala na naman pala.
Hmmm.. Ayaw mong sabihin ha?
*swooosh*
''Ouch! That hurts!'' Napaitingin sya sakin habang nakakunot ung noo. Ako naman. Parang proud na proud pa sa ginawa ko.
''What the hell was that for?!'' Galit nyang sabi habang naglalakad parating sakin.
''Nothing.'' sabi ko habang naka-cross arms. Parang trip ko bwisitin si Jeanne.
''I-ABC kaya kita jan..''
''WHAT?!''
''What? ABC? Always be careful?''
''Hindi noh! Avoid being careless!''
''Sus. Eh how's D E F?''
''Hmm...''
''What? Wala ka masagot noh?''
''Sssshhhh.. i'm thinking..''
** Matt, Chris, and Ethan's POV
''Brad. Tingnan mo 'tong dalawang 'to.'' - Ethan
''Oh, bakit?'' - Matt
''Kala mong walang ilangan oh.'' - Ethan.
''Sus! Kunwari lang yan! Hahaha.'' - Chris.
''G*go. Chris di ba sabi mo i-ma-match make mo sila?'' - Matt
''Oo nga. Anong bang ginagawa ko?'' - Chris na parang proud na proud sa sarili.
Nagkatinginan si Ethan at Matt sabay sabing..
''Nanggugulo.''
''Feeling ko type mo si Marie e.'' - Matt
''Oo. I like her. Kakaiba kasi sya.'' - Chris
''G*go! Kala ko kay Patrick na?'' - Matt
''Hahahaha! Joke lang, Matt! Kasi, may problema ako..'' - Chris.
''Ikaw? May problema? Lokohin mo lelang mo, Chris. Happy-go-Lucky magkakaproblema? Tch.'' - Matt
''Dude kasi.. Si Marie.. Kahit ganyan yan.. May nililihim yan.. Nasa weakest point nya sya ngayon.'' - Chris
''Ethan.. Anong pinagsasabi nang mokong na Chris na'to?'' - Matt saba'y turo sakin.
''Boplaks mo Matt.. Kasi nga.. Dahil kay Drew.. Di pa nakakamove-on yan!'' - Chris
''Paano mo naman nasabi?'' - Ethan
''Paano? Nung minsan narinig at nakita ko sya umiiyak sa may stairs.. Naiinis daw sya Drew ganto ganto.. Kaya ayun.. Anong klaseng tao ba naman kayo?! Di marunong makiramdam.'' - Chris.
''Ikaw na, tol. Da bes ka. Tch.'' - Matt
''G*go. Tara na. Kailangan natin isali si Tita dito!'' - Chris.
** Chris's POV
Hinding hindi na talaga ako magkakamali ngayon.
Sisiguraduhin ko na hindi na ako papalpak.
Wanna know why?
Kasi.. Si Euna at Zayn. Ako talaga ang pinag-ugatan nun. Ako kasi ang tumulong kay Zayn na maghanap nang babaeng mamahalin. Pero, hindi talaga si Euna ang tinutukoy ko.
Meron na daw kasi syang gustong babae.. Kaso, committed. Hindi ko alam na si Euna pala ung tinutukoy nya..
Tinulungan ko sya para makuha ung babae. Tinulungan ko sya kung papano nya makukuha ung loob nung babae. Kaso, huli na pala nung malaman ko na si Euna un. Nung na-aksidente na sila.
Hindi ko maipaliwanag ung nararamdaman ko nung nakita ko si Patrick na napaka-miserable. Na-guilty tuloy ako. In the first place, alam kong masama manulot nang girlfriend nang iba pero di ko pinigilan ung kaibigan ko. Hindi ko talaga kasi alam.
Kaya siguro.. Dala na rin nang konsensya ko.. Kailangan kong tulungan si Patrick kay Amarie.. Nag-iiba nang 180 degrees ung aura ni Patrick pagka nanjan na si Jeanne. Well, except nung nag-away sila. Never ko pang nakitang ganyan si Patrick kay Euna. Napaka-carefree nang ugali ni Patrick kay Euna.. Kapag magka-away si Patrick at Euna. Si Euna ang sumusuyo. Pero, base dun sa kwento ni tita na nagpadala sya sa 'sorry' at sya pa ung nang-alo kay Amarie. I can say he changed a lot. Hindi ganun ang Jeanne Patrick Tolentino-ng nakilala ko. Isang taong my dirty-temper. Isang taong walang pakialam sa feelings nang iba. Isang taong isa lang ang babaeng minahal at mamahalin. Pero ung nakikita ko ngayon? Ibang iba sa Patrick na nakikita ko.
Idea no.1 : Ayaw nyang nagpapatawag nang Jeanne dahil pambabae raw. Pero, anong tawag ni Amarie.. JEANNE diba?
Idea no. 2 : Walang pakialam sa sasabihin nang iba. Pero kanina lang hiyang hiya sya sa nalaman namin.
at pangatlo at pinakamalupit..
Idea no. 3 : Ayaw na ayaw nyang may dumidikit na babae sa kanya. Pero, ano 'to? Close na close sila ni Amarie di ba?
Marami na talagang pinagbago si Jeanne. At sa tingin ko. Kayang kaya rin un ni Amarie.