Otor's Note : Hohoh. Maikli lang 'to. Kaya isasali ko ulit si Danica at Si Bebe. :))) Hihi. ^O^
VOTE**COMMENT**READ AND ENJOOOOY! :D
Natatawa ako! Hidni parin ako sipagin gumawa nang bagong cover. XD
~
[47] What Is Love?
**Marie's POV
Monday nanaman! MAY DUTY NANAMAN AKO! >O< Konting tiis nalang Marie! Matatapos na OJT MO! 48 hours nalang! >O<
"MIss Yu?"
"Yes, ma'am?"
"Are you alright?" Ha? Bakit kaya?
"Yes, ma'am. Do I look pale?"
"No." Then she smiled at me.
May dumating na patient na aso. Ang cute. Beagle sya. Ang cute cute talaga! Kaso, tahol sya nang tahol.. Sabi ni Doc/Tita Pinky may anxiety daw ung aso. Parang hidni palagay sa environment nya. Ang suggestion nya laging ililibot ung aso kahit mga 30minutes a day lang tapos laging lalaruin wag palaging nakatali. Ung lang tapos pina-treatment lang nya ung aso nya.. Pinaliguan, blower. Okies na daw.
"Huy, Ann.." - Danica
"Amarie teh." I rolled eyes. Eversince that day lagi na silang dikit nang dikit sakin ni Charlene. Anong problema nang mga 'to?
"Friends lang ba talaga kayo ni Papa Jeanne?" - Charlene
"Oo." Tipid lang sagot ko. Mahirap na. Baka makahalata..
"Pwede ba kaming mag-pa-autograph sa kanya? Fan kasi kami nang banda nila e." -Danica
"Sure. Gusto nyo pati ung iba? Barkada ko din sila nuon e." Tamang inggit lang sa dalawang 'to. Kumikinang pa ung mata sa excitement.
"Wow. Amarie. Pwedeng papuntahin mo sila dito minsan?" - Charlene.
Crazy fangirl. Hahahaha. "Sure. Sige, kaapg may time sila. Di pa nga kami nagkak-get together simula nung umuwi sila e."
Napaisip naman nga tuloy ako. Oo nga. Di pa kami nagkikita kita simula nung umuwi sila galing England. Galit kaya sila sakin? Galit kaya sila dahil nasaktan ko si Jeanne? Pero okay naman na kami ngayon ah. :(
"Oh, problema mo Amarie? Bat bigla kang sumisimangot jan?" - Danica
"E kasi baka galit pa sila sakin." sabi ko at umupo sa may bench sa gitna nang locker room.
"Hala. Bakit?" sabay pa nilang sabi at umupo sa magkabilang gilid ko.
Magkukwento na sana ako kaso naalala ko ung koneksyon kay Jeanne. Nakoooo! AYOKONG MAGING CENTER OF ATTRACTION, Teh! >O< No waaaaaaay!
"Huy, Amarie!" - Danica sabay shake sakin.
"A-ah. Wala. Sige, balik na tayo sa trab-----" Biglang bumukas ung pinto.
"Amarie.." - Si Mari.
"Uy, bakit Ate Mari?" Sabi ko sabay lapit sa pinto. Hindi sya nagsalita instead hinila nya agad ako palabas..
Nakarinig ako bigla nang strum nang guitar.
"Ang pag-ibig, hindi parang cellphone, 'pag naluma, papalitan. Ang pag-big, hindi parang damit, 'pag may bagong uso, papalitan."
Nasan un? Nasan un kumakanta? Pinapaliiran ako nang mga ka-OJT ko.
"Kung sabihin kong mahal kita. Yan ay totoo sinta. Wag na wag kang magdududa . Hindi kita binobola. Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta. Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit. Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo o sinta. Kahit na ika'y makalbo, hindi ako magbabago."