[44] How I feel.

1.8K 21 4
                                    

[44] How I feel.  

Hindi talaga ako mapakali! Sino ba kasi un?! Anakng~  

''Oh, anak. Asan si Jeanne?'' Bungad agad sakin ni Mama pagka-upo ko sa mesa.  

''Umuwi na po.'' Sabi ko. Emotionless. ''May pinuntahang babae.''  

''Oh? E bakit bitter ka, anak?''  

''Hindi kaya!''  

''Nako nako, Marie. Siyam na buwan kitang ipinagbuntis alam ko na takbo nang bituka mo anak. Hahahaha.''  

''Ma naman!'' Aish! Minsan talaga ang weird nang nanay ko!  

''Hay, nako. Ann Marie Yu. A strong denial is a strong confirmation dear daughter. Kain na at pupunta tayo sa ospital.''  

''Sino nasa-ospital ma?''  

''Ate Aly mo. Tumawag kuya mo kanina. Baby Girl daw.''  

Nanlaki ung mata ko. ''SERYOSO?! Waaaaaah! May baby na si Kuya at Ate Aly!''  

''Oo, kaya dalian mo jan at ako ang magdadala nang lunch.''  

''Okies.'' Kumuha ako nang sunny-side-up egg saka bacon saka hotdog. Chos. Mahilig ako sa hotdog simula pa nung bata ako.  

After ko kumain nagbihis agad ako. Kumuha lang ako nang denim shorts tapos shirt. No need to get all-fancy.  

''Ma! Tara na!'' Nauna pa ako lumabas sa kanila.  

-  

''Waaaaaah! Ate Aly! Ang cute! Buti nalang kamukha mo!'' Sabi ko sabay make-face kay Kuya.  

''Sus. Ikaw talagang bata ka. Btw, totoo bang nandito na si Jeanne?''  

''Yes.'' sabi ko habang nilalaro ung baby sa tabi ni Ate Aly.  

''Ate, ano pangalan nang bulilit na'to?''  

''Stephanie Marie.'' Ngumiti sya. ''Pinagsamang pangalan nyo nang kuya mo.''  

Love or Friendship? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon