Prologue

26 1 0
                                    

"Kailan mo ba balak sabihin kay Jeremy yan?" tanong sa akin ng mother ko na tuwang tuwa sa balitang sinabi ko sa kanya. Matagal na kase niyang pinapangarap na magka-apo at ngayon natupad na!

"Ngayon na, ma. Hindi ko nga alam kung excited siya or hindi e kase baka ayaw pa niya tapos biglang ganito." Nagaalanganin pa ako kahit napakasaya ko na.

"Audrey Claire Espinosa! Magtigil ka! I know Jeremy loves you so much, matutuwa yan." rinig na rinig mo na pinagkakatiwalaan niya ng lubos si Jeremy.

Sabagay, simula Senior year namin nung Highschool. Lovers na kami. We started off as super duper best friends nung first year high school then hanggang sa fourth year na kami, doon na niya ako tinanong. Nung una, ayaw ng parents ko kase masyado pa kaming bata but Jeremy proved them na wala siyang gagawing masama sa akin and He did. Hanggang ngayon, hindi niya pinaramdam sa akin na hindi siya nagsasawang mahalin ako. Feeling ko nga araw araw kaming nagkakakilala kase kahit ilang taon na kaming magkasama, iniisa isa pa rin namin yung sarili namin.

"I hope so, Mom." I sighed.

"osiya, umalis ka na. Magiingat ka, I love you, nak!" my mom said while naghuhugas siya ng plates.

"I love you too, ma!"

Naiisip ko nanaman yung conversation namin ni mama kanina bago ako umalis. Sobrang kinakabahan talaga ako sa mangyayari ngayon. Tatakbuhan niya ba ako? Hindi ko alam para akong maeewan.

Nandito na ako sa madalas naming pinagkikitaan and antagal tag---

"Ace!"

Napatayo naman ako sa inuupuan ko nang marinig ko ang boses niya at napangiti agad sa kanya.

"Je!"

He ran towards me at niyakap ako ng napakahigpit. "I miss you, Ace." sabi niya at napayakap naman din ako pabalik.

"I miss you---" bigla naman niya akong hinalikan sa noo kaya napatigil ako sa pagsasalita. "I love you.." He said.

Tatlong salita na lagi akong nanlalambot kapag naririnig ko mula sa kanya. Ang swerte ko na ba? Kahapon lang din kami nagkita ni Jeremy tapos kung maka-asta kala mo ngayon lang kami ulit nagkita.

"Always, je." I said. Sa sobrang excited naming dalawa, umupo na kami pero napatayo ulit siya para magorder ng inumin namin dahil mahaba haba raw paguusapan namin.

"Babe-- ay Ace pala!" tumawa naman siya habang naglalakad. Ayaw ko kaseng tinatawag niya akong babe. "--Your fave!" Iniangat niya yung kanang kamay niya na hawak hawak yung favorite drink ko, Lemonade, tapos sa kanya as always, Mangga. Hindi na nagbago.

I smiled. "Thank you, Jeremy." sabi ko pagkababa niya ng drinks namin sa table.

After hours of kwentuhan about sa paulit ulit naming kwento. Napatigil na kami saglit.

"So eto na eto na, ano yung good news na sinasabi mo?" He asked me first pero siya dapat ang unang magsabi.

"Ayoko, ikaw muna." sabi ko.

"Bahala ka dyan." sabi niya bigla sa akin and I rolled my eyes on him.

"Bahala ka rin dyan, Jeremy!" I looked away. Pabebe mode syempre.

"Joke lang, ano ba! Ako na nga! Nagpapabebe ka nanaman dyan e!" sabi niya na na patawa tawa pa. O diba? Kilalang kilala na ako netong balugang to.

"O dali! sabihin mo na!" Napaayos naman ako ng upo at nagmala-pwestong batang nakikinig sa isang storyteller with matching ngiti ngiti pa.

"I got my dream job! Yung sinasabi ko sayo? Pupunta na ako ng States!" kitang kita ko yung saya sa kayang mukha habang sinasabi niya to at ako naman, hindi ko na alam.

Ever since, gusto na niya talaga maging official architect at eto na siya! Living his dream! He got the job at sa States pa una niyang work.

Napatulala na lang ako sa kanya bigla.

"Hindi ka ba masaya?" He asked me na tuwang tuwa talaga ako.

"Masaya ako for you! Ang galing talaga ng Jeremy ko!" and tears began falling. Napapunas pinas naman ako agad.

"Uy ano ba, tears of joy? Dapat ako nga ma-tears of joy e!" tinatawantawanan niya ako habang pinupunas luha ko.

"Kailan ka aalis? Ilang taon? Saan ka sa US?" Tuloy tuloy pa rin ang pagagos ng aking mga luha sa aking mukha. Hindi ko na pwedeng ituloy ang good news ko sana.

napakamot naman siya sa ulo. "Eto nga e, hindi ko pa in a accept. I'm still asking for your permission kung pwede akong pumunta don. Okay lang naman kahit hindi kase 5 years y---"

"No, no, no! Pumunta ka! Sayang yan! Para sa future natin yan, diba? Iintayin naman kita e."

huwag kang pumunta. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na ako lang magpapalaki sa anak natin.

"Totoo yan, Ace?!?!" He's so happy.

"Yes, Jeremy!" He grabbed my hand and kissed it many many times.

"Ikaw? Ano bang goodnews mo?" He asked.

Sasabihin ko pa ba? Wag na. Pag sinabi ko to, He'd rather stay than kunin yung trabahong yon and ayaw ko naman ma-block yung way niya sa pangarap niya.

"Ahhh-ano.. wala!" I forced myself to laugh. "-pinapaexcite lang kita lalo!" I said.

"Ano ba naman tong Ace na to! lagi naman!" he pinched my nose and laugh. Nakigaya naman ako sa patawa to cover up every pain.

Itatago ko muna to for you-- para sa pangarap mo.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now