3 years later.
Parang kahapon lang two years old lang si Jace, ngayon 5 years old na siya. Ang bilis ng panahon, lumalaki si Jace na hindi pa niya nakikita daddy niya kundi sa picture lang. Kinder na si Jace. Si Mama naman, nagkasakit na. Naka higa na lang siya dito sa kwarto, bantay bantay lagi ni papa. Si Papa naman, tumatanda na, hindi ko alam kung hanggang kailan na lang sila pero umaasa sila na bago sila mamatay, makikita pa nila akong magpapakasal. Si Christian naman, ayon, busy sa work niya. Hindi ko pati makikita bukas kase may susunduin daw siya sa airport. Yung kapatid niya. Ayaw akong isama kase sila naman daw muna magbobonding magkapatid since close naman daw silang dalawa.
Nagvacation naman kaming dalawa ni Jace para I celebrate namin birthday niya. sabi niya kase sa akin na kami lang dalawa sana magcelebrate ng birthday niya para kunyari kasama na rin namin si Daddy niya. Kahit ilang taon na nakakalipas, hindi pa rin niya nakakalimutan si Jeremy. Hindi pa rin niya nakakalimutan tunay niyang Daddy.
"Ayaw mo ba kay Daddy Christian mo?" tanong ko naman kay Jace habang tinitingnan ko siya kumain ng green salad. "Gusto naman po.." sabi naman niya.
"Eh bakit ayaw mo siya isama?" tanong ko naman sa kanya at tumingin siya sa akin. "Mama, Daddy Je is only my Daddy.."sabi naman niya at bumalik ulit ang tingin sa pagkain niya.
"Hindi na nga darating, baby." sabi ko naman kay Jace. Napakunot naman noo niya sa akin. " Love mo pa ba Daddy Je?" he asked.
"Jace.." hindi ko naman talaga alam isa sagot ko sa tanong niya. Masyado ng mahaba ang limang taon para makapagisip isip kung mamahalin pa ba si Je o hindi na at malinaw na sa akin na hindi na.
"Makikita ko pa si Daddy diba?" tanong naman niya. "Oo naman.." sabi ko naman sa kanya. Sana nga't magkita sila. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya si Jace kung sakali man pero ewan ko na lang kung anong mangyayari sa aming dalawa. Eh basta! Ngayon, Si Christian nandito at masaya ako.
"Edi I will wait for Daddy.. Tito Christian is only my tito.." sabi naman ni Jace sa akin. Hindi ko naman na kailangan sabihin lahat kay Jace ngayon kase malilito pa siya. He really loves Jeremy tho hindi pa niya nakikita 'to. Iba talaga ang feeling kapag love na ng totoo mong magulang mararamdaman mo.
"Diba you told me before that Daddy Je is my Daddy and Tito Christian is not Daddy Je, diba?" he asked me. "Yes, anak." sabi ko naman sa kanya.
"eh bakit gusto mong maging Daddy ko si Tito?" tanong nanaman niya sa akin habang nguya ng nguya sa kinakain Niya. Kanino ka ba nagmanang bata ka?
"Hindi na kase babalik si Daddy.. may iba na si Daddy Je mo.." sabi ko naman sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na nakakunot ang noo. "Nakita mo mommy?" he asked.
"No, pero nararamdaman kong meron na.." sabi ko naman sa kanya. Ngumiti naman bigla siya sa akin at tumawa. "Bakit, Jace?" I asked.
"Walang ganon si Daddy sabi niya sa akin.. Dapat ikaw din walang Tito Christian.. Love mo Daddy, Daddy loves you!" sabi naman niya habang patawa tawa niyang sinasabi. Nagtaka naman ako kung papaano naman nangyari na alam niya yung kay Jeremy?
"Napapanaginipan mo ba si Daddy mo, Jace?" I asked him. Kung hindi naman niya naka kausap face to face then probably naka kausap niya si Jeremy through his dreams pero dreams are dreams, nasa utak lang natin yung taong yon kaya nagfoform ng isang senaryo sa utak mo about don sa taong yon. I know he misses his Dad, ako rin naman para sawa na ako sa kakaasa na may iniintay pa ako.I hope he understands na wala ng Jeremy na darating.
"Uhhhh- yes! Naka kasama ko siya palagi sa park. Naglalaro kami sa playground! Naghug pa nga kayo ni Daddy tapos hug ko kayong dalawa!" kwento naman niya sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya trying to cover up what I'm feeling right now. Ang intense naman kase ng usapan naming dalawa, feeling ko nanay ko kausap ko.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...