Chapter 19

5 1 0
                                    

Panahon na. Panahon na para ilibing na si Christian. My mind is as clear as a glass. Ilang araw na akong tahimik, I mean, sinong hindi tatahimik kapag namatay yung mahal mo? I want to cry. I want to break things. I want to do things to forget him pero I feel like I'm so done that all I can do is look at the ceiling at night, no tears, no movements, just stare at it for hours and let myself fall asleep. Sasanayin ko sarili na wala na si Christian, wala ng mangungulit sa akin kapag badtrip ako. Wala ng tutulong sa akin kapag hirap na hirap na ako. Wala ng lahat. Makikita ko na lang siya sa alaala ko, sa panaginip ko, sa mga litrato niya sa akin, pero hindi ko na siya makikita ng totoo.

"Baba na tayo?" I asked Jace habang tinatanaw ko yung mga tao sa paligid ng libingan ni Christian mula sa kotse. "Okay.." he said. Sabay naman kaming bumaba at nakayuko akong naglakad papunta don.

I threw some flowers and even Jace while the pastor is saying something about life. My ears are blocked by the feeling I get when I'm looking at Christian's coffin tho I know I'm listening pero alam mo yon? Hindi nag si-sink in sa isip ko.

Isa isa naman silang nagsisi-alisan at ako? Ayoko pang umalis. Hindi pa ako ready. "Ano bang gusto mong mangyari sa akin ngayon, Christian?" asking him for what will I do next kase I have no idea what am I going to do with my life now that he's gone and not that I'm OA but I just can't find myself in the future without Christian. I just can't.

"Bakit nga ba kase ako nagiintay ng sagot mo? Eh hindi ka naman sasagot sa akin.. Miss na miss na kita, Christian.." iyak tawa ko naman habang nagpupunas ako ng luha at nakatingin sa libing niya. "Sa totoo lang, hindi ko na alam gagawin ko.. May trabaho naman ako to distract myself pero alam mo yon? Sobrang laki ng difference without you.." sabi ko pa.

Siguro may nakakarinig na sa akin at iniisip ang weirdo ko pero ano ba. Wala naman kase akong pake pala kase I'm talking to the most talked-to person ko sa buhay, for almost four years din 'to no. I was about to grab Jade's hand nang bigla siyang tumakbo. "Jace!"

Tumakbo siya papunta don sa lalaking nakatalikod sa amin, wearing tux, and feeling ko para siyang nagpapahangin, yung tipong nagiisip ng malalim (kapag sa lalaki).

Napatigil naman ako sa ginawa ni Jace. He hugged that guy. "Daddy.." I heard him. Nakita ko namang nagulat yung lalaki kaya naman tumakbo agad ako to get Jace.

"Jace.. He's not your Daddy.." bulong ko naman kay Jace habang tinatanggal yung pagkakakapit niya dito sa lalaki na nasa harap ko. Binuhat ko naman agad si Jace not knowing na he's looking at us.

"I'm sorry, sir. My son is just---" napatigil naman ako sa pagsasalita- I mean napatigil buong mundo ko nang makita ko na siya. Siya.

We stared at each other na miski siya nagulat sakin. Nakita ko how close our actions are. Sabay kaming nagulat, sabay kaming nanlaki ang mata. Para akong naging statwa. Christian? Eto ba gusto mo? dahil ako hindi ko nagugustuhan 'to.

"Excuse me..--" aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan braso ko. "Ace.." my heart started beating fast as I hear his voice.. again. I don't want him to see me weak in front of him, not now, not ever. Kakamatay lang ni Christian and this is not the right time to talk about things about us, about me and Jeremy.

Huminga ako ng malalim at kumawala sa pagkakakapit niya. Naglakad naman na ako kaagad papunta sa kotse and I just hope, hindi niya ako sundan kase hindi ko talaga kakayanin. "Bye, Daddy" sigaw naman ni Jace sa kanya at inulit ko naman sa kanya sinabi ko kanina. "He's not your daddy.." pinasok ko naman kaagad sa kotse si Jace.

Bago ako umalis, napatingin ulit ako sa puno kung saan siya nakatayo kanina baka kase sundan niya ako, keme keme, and then poof! He's there and he's looking at me. Daym. Napalihis naman ako ng tingin at nagsimula ng magdrive. Dumeretso naman kami sa store ko.

"Jace, intayin mo si Lola dito ha? Magbbake lang ako." sabi ko naman kay Jace na mula pa kanina tahimik. Alam ko namang galit siya sa akin dahil totoo naman, daddy niya nakita niya. Si Jeremy yung nakita niya kanina.

I guess, mali nga ginawa ko. Inisip ko sarili ko kaysa kay Jace na gustong makita ang Daddy niya. Bakit kase wrong timing? Bakit kase dito pa sa sitwasyong nauutal pa ako kay Christian?

"Ang laki ng pinagbago niya.. Hindi ko aakalain na ganon na siya ngayon, napakadesenteng tao na niya unlike before na simple lang pero siya ang lakas ng dating niya. Mayaman na mayaman na tingnan.." hindi ko alam na nasasabi ko na pala yung mga naiisip ko nang magsalita 'tong worker sa store ko. "Ma'am, ano po yun?" Nagulat naman ako sa tanong niya.

"Ay wala, Shiela.. Wag mong intindihin.." I said. Tinitimpla ko naman 'tong red velvet cake kase may nagoorder. Malakas din kase red velvet dito. Ewan ko ba? Sa lahat naman ng cake, red velvet pa. Tinikman ko naman. "May kulang.." sabi ko naman. May kulang sa lasa at hindi ko alam kung ano yon.

Dinagdagan ko naman ng half cup ng sugar. I mixed it again at tinikman. "Shit. Bakit iba lasa? This is wrong!" I'm starting to get mad. Hindi ko alam kung anong kulang sa ginagawa ko, sa ingredients ko! I already put butter! Eggs! lahat ng ingredients for the cake! Ano pa ba?

"Shiela! Taste it! Kulang diba?" tanong ko naman sa kanya. "Ma'am sobra na nga po eh." sabi naman niya. Napataas naman ako ng kilay at tinikman ko ulit.

"No, it's not right. May kulang! Ang panget ng lasa niya!" sigaw sigaw ko naman while adding ingredients sa bowl. Ano pa bang kulang?

"Ma'am.." bigla namang singit ni Shiela. "What?!"

"Ikaw na po nagsabi, pag feeling mong kulang yung ginagawa mo, lagyan mo ng pagmamahal." sabi naman ni Shiela sa akin. Binaba ko naman yung bowl na hawak ko and breathe deeply.

Oo nga pala. Naka sulat na nga rin sa wall. Do everything in love.

"You know what? Bukas ko na lang 'to gagawin, baka stress lang ako ngayon. I should go home." sabi ko naman kay Shiela at umalis naman kaagad sa kitchen.

I think naaapektuhan lang ako sa nangyari kanina and dagdag pa si Jace na galit sa akin. "Halika na, Jace." ayaw namang sumunod sa akin ni Jace so umupo ako sa harap niya. "What do you want?" I asked him.

"Daddy." he said. Agad ko naman siyang sinagot. "He doesn't know na you're his son, okay?" sabi ko naman sa kanya at bigla namang kumunot noo niya.

"I want Daddy.." sabi naman niya pagalit sa akin. "Hindi niya alam na anak ka niya, okay?! Hindi niya alam! Kaya siya nawala! Kaya hindi kami magkasama, Okay?!" nahiyawan ko si Jace at napaiyak naman ako which made me lay me head on the table.

"Hindi niya alam, Jace.." mahina ko namang sabi sa kanya and thank God, walang tao sa store bukod sa tao ko. I heard his chair move na para bang bumaba siya sa inuupuan niya and yes, I'm correct. He poked me three times sa braso. Napatingin naman ako sa kanya.

"Let's go home.." sabi naman niya. Kinuha naman niya kamay ko at hinila ako papalabas ng store habang pinupunasan ko luha ko. Naintindihan niya yata na hindi pa alam ni Jeremy na anak niya si Jace kaya ayokong ilapit si Jace sa kanya.

Ano kayang naisip ni Jeremy nung nagkita kami? Masaya ba siya? Wala ba siyang pakielam? Malungkot ba siya?

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now