ACE'S POV
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday to you!" kinantahan ko naman sa tenga si Jace habang natutulog. Gumalaw naman si Jace paharap sa akin at ngumiti. "Thank you, mommy." he said and kissed me on my lips.
"Ano wish mo?" kulit kulit ko naman kay Jace. "Makita ko na si Daddy." sabi naman niya. Nagkatinginan kami at ngumiti siya ng pagkakulit kulit na para bang inaasar niya ako.
"Eh nakikita mo naman siya diba?" tanong ko naman sa kanya referring sa picture na binigay ko sa kanya noon. "It's different kapag nakita ko Daddy face to face.." sabi naman niya. Wala akong ma-say, kung makapagsalita akala mo matured na kahit medyo kulang kulang pa words niya.
"Edi kapag nakita mo siya, edi go! Kapag hindi, hayaan mo na. Ayoko ng hanapin si Daddy mo. May Tito Christian naman na ako." sabi ko naman sa kanya. He was about to get mad at me nang biglang tumawag si Christian.
"Hello! Christian? Bakit?" tanong ko naman.
May I speak to Jace?
"Oo naman!" ni loud speak ko naman yung phone ko.
Ayaw naman magsalita neto ni Jace kaya pinilit pilit ko pa bago magsalita.
"Hello Tito?"
Happy Birthday, Jace! May gift ako sa'yo paguwi mo!
"Thank you po!" the way na kausapin ni Jace si Christian, bagot na bagot siya.
see you two later ha! magiingat kayo dyan!
"Okay, sige na, Christian. Marami kaming gagawin ni Jace ngayon. Bye na!" sabi ko naman sa kanya kase baka masira pa araw ni Jace.
Sige, I love you!
Napalingon naman sa akin si Jace nang marinig niya yung sinabi sa akin ni Christian. Kunot na kunot na nood niya. "I love you too!" tiningnan ko naman si Jace at napatalukbong siya ng unan sa inis.
Natawa na lamang ako't in end ko na yung Tawag ni Christian. Wala naman akong magagawa kundi nang balewalain na lang tong mga pakulo ni Jace dahil magbobonding kami nila Carissa. Sana lang magustuhan niya 'tong quick surprise namin sa kanya!
-
"No peaking!" sabi ko naman kay Jace habang inaalalayan siyang maglakad papasok sa clubhouse na punong puno ng balloons at mga favorite games and toys niya. "Okay game, pag3 na tanggalin mo na tali mo ha!"
"1.... 2.... 3!!" agad naman niyang tinanggal yung tali at gulat na gulat siya sa nakita niya. "Pasensya ka na, mabilis lang namin to napagplanuhan, Jace." sabi ko naman sa kanya.
"Woaaaahhhh!" akala ko hindi niya magugustuhan kase di niya ako iniimikan yun pala manghang mangha siya sa nakikita niya. It's simple for me tho pero para sa kanya engrandeng engrande na.
Takbo naman siya para maglaro laro ng kung anu ano at sakto lang din, dumating na si Carissa. "Audrey!" she called me. Napalingon naman ako sa kanya at nagbeso beso (of course).
"Your son?" I asked her. "Isn't it obvious, girl?" natawa naman siya sa akin. "Oh my goodness!" sabi naman niya bigla sa akin.
"Bakit?"
"Ang pogi ng anak mo. Ang pogi pala ng asawa mo!" sabi naman niya sa akin habang paulit ulit niya akong pinapalo. Ang galing nga eh, isang gabi lang kami nagkausap pero kung makapag-act siya parang taon na kaming magkakilala.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...