Chapter 21

1 0 0
                                    

ACE'S POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip na hindi nga alam ni Jeremy anak niya si Jace. I know nakarating sa kanya yung sulat (slight) at siguro naman, alam niyang may anak siya pero bakit parang wala siyang pake? Hindi niya hinanap? Wala siyang ginawa nung nakita niya si Jace? Ayaw niya ba talaga panindigan? O sadyang hindi lang niya alam?

Okay lang naman sa akin kung hindi niya papanindigan kase... ewan? Okay lang naman siguro.. yata.. talaga sa akin. Wala namang problema sa akin kase wala naman na yung amin at ayoko nang maghabol sa alam kong tatakbo. Sayang lang effort ko diba?

Mabuti nga rin na okay na kami ni Jace kung hindi baka lumayo na loob neto sa akin. At sino naman lalapitan niya? Hindi naman niya malalapitan Daddy niya. Sino nga ba si Jace para lapitan si Jeremy na walang alam o walang pakiealam sa anak?

"Jace!!" Tawag ko naman sa kanya pagkababa niya ng service niya. Ang saya saya naman ng salubong niya sa akin habang hila hila ang kanyang bag. Niyakap naman niya ako. "Ma! we have evens on Friday!" sabi naman ni Jace at hindi ko naman naintindihan sinasabi niya.

"Anong evens?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa bahay. "Evens! Tingnan mo mamaya!" sabi naman niya at bigla namang tumakbo papunta sa kwarto.

"Jace! magbihis muna!" sabi ko naman pero alam kong hindi nakinig 'yon. I then checked his notebook about doon sa "Evens" na sinasabi niya and there I saw Event. Buyoy ba 'tong anak ko? o sadyang cute pa talaga magsalita.

"Ah! Event!" sabi ko naman sa sarili ko habang binabasa ko yung naka sulat. "It's family day this coming Friday. make sure to bring your mom, dad, Lola, Lolo, brothers and sisters here...." tinigil ko naman ang pagbabasa at tinawag ko kaagad si Jace.

He went down naman kaagad. "Jace.. Can you sit on my lap?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa sofa sa living area while still looking at the paper I'm holding. He sat down on my lap. "Why?" he asked.

"Okay lang ba kahit wala si Daddy Je?" I asked him. I know ang panget tingnan kung you're the only kid in the room whose family is incomplete. Nakakahiya for Jace, eh jolly pa naman din siya. What if someone asked him about his dad? He might cry pero ayoko naman ding lapitan si Jeremy for this. It's like I'm approaching him because I want to talk to him tho I really do, pero I really think this is not the right time for me to do it. Not that I'm saving myself from him pero I know to myself na hindi ko lang siya natitiis kaya ganon.

Napatingin naman sa akin si Jace and then smiled. "It's alright, mom. I'm fine without Dad." he said. Hindi ko alam kung namamlastik ba 'to or sadyang totoo na talaga mga sinasabi niya.

"Audrey! Aalis lang ako ha!" sabi naman ni Mama na madaling madaling umalis. "Bakit nagmamadali ka yata?" I asked her. Hindi naman din siya tumigil sa kakakilos niya.

"May imimeet lang ako. Bye!" she kissed us goodbye at umalis na. Ngayon ko lang din halos nakita si mama na lumalabas labas ng ganito kase madalas nasa bahay lang pero okay lang. Maganda na yung ganyan. Strong pa rin sila.

Pinuntahan ko naman si Daddy sa loob ng kwarto niya to check on what he's doing. "Dad, whatcha doing?" I saw him na nakatutok sa laptop niya, as always, subsob sa trabaho. He looked at me for a while and then bumalik naman sa pagtatype niya. "Work." sabi naman niya.

Lumapit naman ako sa kanya and umupo sa kama. "Do you really have to work the whole day?" I asked him. Hindi ko na kase halos naka kausap si Daddy. "Para sa inyo naman 'to, para sa future nating pamilya." sabi ko naman.

"Dad, you have to rest. I'll find my own place na lang din so that less abala dito sa bahay and ako na tutulong sa inyo. Kaya naman ng business ko diba?" sabi ko naman. Kaya naman talaga ng business ko and kahit na hindi naman na magwork si mommy, may money pa rin na pumapasok sa amin.

"You never know what can happen next, anak, kaya you should probably clean up your mess hangga't maaga pa and kapag naayos mo na, I'll stop working." he said. Nagtaka naman ako sa sinabi ni Dad. mess? what mess?

"Anong mess, Dad? What are you talking about?" tanong ko naman. He smiled. "Discover it for yourself." sabi naman niya and after that awkward silence, hindi na niya ako kinausap. Napakabusy ni papa.

-

Pumasok naman ako sa kwarto ko and left Jace playing sa living area. I'm not sure sa ginagawa ko ngayon pero I am pretty sure I'm dead bored. I am currently admiring all Christian's photos. The temperature inside my room is getting cold pero okay lang, it doesn't bother me a lot naman and besides, I feel warm when I see Christian's photos. Feeling ko he's here sitting right next to me. Siguro napaguusapan nanaman namin ngayon yung mga araw na kinuhaan ko siya sa moment niya sa mga picture.

After hours of letting myself feel Christian's presence, as I open my drawer, may nahulog na necklace. Inabot ko naman and there, I remembered that it was a gift from Jeremy nung first monthsary namin. Well, hanggang sa umalis siya suot ko yon kaso nung nawala na pati communication namin, I decided to take it off for a while. Baka kase umasa lang ako ng umasa.

"J♥K" sabi ko naman habang bi nabasa ko yung naka sulat sa necklace. It was the greatest thing na binigay sa akin ni Jeremy before kase feeling ko dahil sa necklace na yon tumagal kami.

"Should I wear you again or wag na?" asking the necklace I'm holding as if it has a life. "I think you should.." napatingin naman ako at nagulat kay mama na nasa pintuan ko na pala the whole time.

"Wow! Maniniwala na sana akong sumagot sa akin yung necklace na to!" niloko loko si mama na papalapit sa akin. "Suotin mo na, Nak." sabi naman niya sa akin. Tinago ko naman sa likod ko.

"Ayoko, bakit ko naman susuotin?" I asked her. Oo nga. Bakit ko nga ba susuotin to? Eh I'm so over Jeremy. "Hindi mo yan papakielaman kung hindi niya nakuha atensyon mo. Suotin mo na. Pabebe ka nanaman."sabi naman niya sa akin. Well, She has a point pero bakit ba nangangalikot lang naman akong gamit ha?

"Kinakalikot ko lang gamit ko, mama." kinuha naman niya yung necklace na hawak ko at tinalikod niya ako sa kanya. "Ako na magsusuot para sayo." and then sinuot naman niya sa akin.

Bigla namang lumalim pakiramdam ko. Feeling ko he's near. Feeling ko he's somewhere over the rainbow waiting for me. My heart beat suddenly changed. Bumilis siya and it became louder na para bang naririnig ko na at worse, marinig ni mama.

"You still love him, don't you?" bigla namang na tanong sa akin ni mama. Hindi ko namalayan na hawak hawak ko na pala yung necklace ko. "No, ma!" I snapped out of my day dream moment and napalakad papalabas ng kwarto.

"Oo nga pala! Dumaan ako sa store mo and someone ordered 500 cupcakes for Friday." napatigil naman ako sa narinig ko. 500 cupcakes?!

"Ano, Friday?" tinanong ko ulit para i- assure kung Friday nga. Eh that's Jace event and I need to go there. Ayoko naman magmukhang puyat and all sa day na yon.

"Oo, sa Rosewood Academy, and uhm- pahiwalay daw ng isa. 499 cupcakes are assorted and yung isa. Red velvet. Ibox mo." sabi naman ni mama. So kanila Jace nga? Bakit yung school pa? Ohmygoodness.

"Anobayan? Hindi na nawala sa buhay ko ang red velvet na yan." reklamo ko naman. "-Fine! Aalis muna ako! Aasikasuhin ko na yan kase ilang araw na lang, 4 days? Ohmygoodness! Bakit ngayon lang!" sabi ko naman at agad naman akong umalis para maghanda para don.

I just hope I can make it para sumaya si Jace.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now