Chapter 18

3 1 0
                                    

ACE'S POV

Ilang araw na nga ba and still, nagmumukmok pa rin ako sa kwarto. Si Jace? Pinapatabi ko muna kanila Mama. I don't want him to see me like this. Ayoko pang magsabi sa kanya kung bakit ako nagkakaganito at mas lalong ayokong magsinungaling kapag nagtanong na siya. He deserves to know na his father is here pero not now.

Bigla namang may kumatok sa pinto ko at dahan dahang bumukas. "Mom.." I saw Jace peaking sa maliit na but as na ginawa niya sa pag-open ng door. Lord, sabi ko not now bakit it's time na?

Napatalikod ako sa kanya, lalo kase akong naiyak para kaseng si Jeremy talaga si Jace nung bata pa. I heard his tiptoe na papalapit sa akin. Umakyat naman siya sa kama ko and suddenly felt his warm embrace from my back. "Stop crying.." sabi naman niya which made me cry even harder.

Napaharap na ako sa kanya and hugged him back. Why, son, why?

"Why are you crying?" he asked naman niya with his cute toned voice. Napapunas naman ako ng luha and smiled at him. "Wala.. tears of joy!" sabi ko naman sa kanya.

"Did Tito made you cry?" tanong naman niya sa akin bigla. "No.." napaayos naman ako ng upo at ginaya naman din ako ni Jace. "--do you want to see your Daddy Jeremy?" I asked.

"Yes, but I saw this big guy and he looks like Daddy.." sabi naman niya sa akin which made me alert. "Saan mo nakita, Jace???" nanlaki naman mata ko sa kanya and he's looking on the ceiling trying to remember where he saw it.

"Sa tapat ng room, he's talking to the big guy also in our school.." sabi naman ni Jace. As much as I don't want to believe Jace pero kids don't lie diba? I mean, malay mo si Je nga nakita niya.

"Oh.. baka kamukha lang?" I grabbed my phone to check on Christian's messages.

"Maybe.. Mom, I want to see Daddy.." napatigil naman ako sa pangangalikot ng phone ko sa sinabi ni Jace. I also want to see Je pero tama na, Si Christian yung nandito, si Christian na dapat.

"Kung magkikita kayo, fine. I don't want to give effort finding your Dad." sabi ko naman sa kanya. Pinagpatuloy ko ang pangangalikot sa phone ko and saw his last message. 2 days ago.

Weird. Usually nagtetext siya everyday tapos nakakabente pataas siyang message per day and now, 2 Days ago pa and sabi niya.

I love you, Audrey Claire Espinosa. Kwentuhan mo ko pag ready ka na ha? Magiintay ako. :)

Almost 1AM na yung text niyang 'to. Nagreply naman ako kaagad.

Yes, I love you too, Christian! See you later!

Message sent. Nagkwentuhan naman kami ni Jace since wala naman siyang pasok today 'cos it's Saturday. Mga ilang minuto nakalipas. Finally! He replied. Akala ko kung ano na nangyari kay Christian.

Audrey, Christian's in a coma. He's at MMH, he needs you. -Mr. Slough

"Mom! Pakibantayan muna si Jace please.. Pupunta lang akong hospital.." Malakas na pagkakasabi ko pero feeling ko hinang hina na ako. Please, hold on, Christian. Mabubuhay ka pa.

"Bakit? Anong meron?" she asked na tarantang taranta sa akin. "Christian's in a coma." Naluha naman ako sa sinabi ko at nagpalit na ako kaagad ng damit at tumakbo na kaagad papuntang kotse.

"Please.. please.. hold on, Christian. Mabubuhay ka pa!" sabi ko sa sarili ko inside the car. What have I done? "This is all my fault! Stupid, Ace!" sabi ko pa sa sarili ko. Kung hindi siguro ako nagmukmok ng kay tagal, hindi mangyayari sa kanya 'to.

-

"Miss? Saan room ni Christian Slough?" I asked the nurse on the counter. "2nd floor, Room 201."sabi naman niya.

"Thank you, miss." Napatakbo naman ako sa hagdan at hindi na ako nagbalak mag elevator."Room 201.. Room 201.. Ayun!" Napatakbo ulit ako papunta sa room niya and outside his room, nakita ko na siya dahil sa malaking salamin. Nagslow mo buong mundo ko nang makita ko siya doon na naka higa, andaming sugat.. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang makitang nahihirapan siya.

Pumasok ako sa loob and saw his Dad. "Audrey.." he called me. Nakatingin lang ako kay Christian, palapit ng palapit sa kanya. "Thursday pa siya nandito. Car accident. Lasing siya nung gabing nabangga siya." Naluha naman ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita, this is all my fault.

"Iwan muna kita dyan, Audrey." umalis naman din kaagad Dad niya and then I started talking to him.

"Ready na ako, Christian.. Ready na akong magkwento.. Makinig ka ha.." sabi ko habang pilit kong dinederetso boses ko. Hinawakan ko naman kamay niya.

"Diba tinatanong mo sa akin kung sino siya? kung bakit hindi ko siya nakakalimutan? Pangalan niya si Jeremy Santos. Akala ko nung una, wala kayong connection sa isa't isa kase magkaiba surname niyo but then as time goes by, nakkwento mo na sa akin brother mo na si Jess. The way na ikwento mo siya sa akin parang si Jeremy lang yung dinedescribe mo, not knowing na si Jeremy nga si Jess. Nalaman ko na lang sa picture na pinakita mo sa akin.." sabi ko naman at na pahinga ako ng malalim.

"I love Jeremy so much nung hindi pa kita nakikilala, nangako kami sa isa't isa na babalikan niya ako after 5 years dito at ako, magiintay sa kanya. Naniwala ako pero nung nawalan kami ng communication, unti unti ng nawawala tiwala ko and then I met you.. sabi ni mama buksan ko puso ko sa'yo.. I really did and I learned to love you.. sabi ko if ever na bumalik si Jeremy, ikaw na pipiliin ko kase you never gave up on me kahit na gusto kong hanapin pa si Jeremy noon.. and I thought hindi mo nga ako gigive-up-an and now you're here.. may coma.. iiwan mo na ako at hindi ko alam kung ready ba ako na iwan mo ako.."

"Si Jess o si Jeremy, siya yung daddy ni Jace.. Kaya ang hirap kalimutan ni Jeremy. Naririnig mo ba ako, Christian? Nagkkwento na ako o!" huminga nanaman ako ng malalim at tumayo. Tumingin ako sa kanya.

"Hindi na kita kayang nahihirapan.. Ayoko ng patagalin pang ganyan ka.. Alam kong nahihirapan ka na kaya Christian.. Papakawalan na kita.. Magpahinga ka na.." iyak naman ako ng iyak sa sinabi ko.

"Magpahinga ka na.. Nakwento ko na yung gusto mong malaman.. Thank you so much for everything, mula sa pagiintindi mo hanggang sa pagmamahal mo.. I love you, Mr. Christian Slough.." at sakto sa aking pagkakasabi ang pagtunog ng telemetry.

*toooooooooooooooooooooooooooooot*

Humagulgol naman ako lalo at niyakap yakap siya. Pumasok naman bigla Daddy niya at yung ibang nurse sa loob. "Christian!!!!!!" sigaw ko naman ng paulit ulit.

Tapos na. Pahinga ka na, Christian. Ayun lang pala iniintay mo bago ka magpahinga. I know you're there with the Lord already. I will make you proud. Mahal na mahal kita Christian.

Umuwi naman na ako agad. I opened the door and saw mom looking at me. My tears started to fill my eyes and tumakbo naman si mama papunta sa akin. Naiyak naman ako lalo which made us sit on the floor.

"He's gone, ma.. Christian's dead.."

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now