JEREMY'S POV
Hindi ako naka tulog ng ayos kagabi. Alalang alala ko pa rin yung nangyari sa amin kahapon. Alam kong napagod ko siya dahil dun sa 500 cupcakes. Gusto ko lang naman siyang makita since naging partner na ako ng owner ng school. Nagsponsor ako ng cupcakes para sa program. Dapat nga hindi kase mapapagod si Ace at aasikasuhin pa niya sa mismong program si Jace pero nung nakita ko siya pagpasok ko at sakto rin ang pag tanong kay Jace kung nasan ang Daddy niya, lumapit na ako.
Maraming nagulat kase wala namang nakakaalam nang amin ni Ace. Sino bang makakaalam? Parehas kaming cold. Gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit. Yakap na kasing tagal nang ako'y nawala sa piling niya. Sabi ko titigil na ako pero kada makikita ko siya, kinakain ko na palagi ang sinasabi ko. Hindi ko pala talaga kaya.
Nagulat ako nung napili kaming sumayaw. Hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin ko ulit siya na kahit doon lang, maparamdam ko na handa pa rin ako kahit ayaw na niya. Ramdam ko kaseng ayaw na niya, ayaw na niyang masaktan dahil alam ko namang nasaktan ko siya, kaya hindi ko siya kayang pilitin na bumalik pa. Kaya naman kinuha ko na ang chance kong sabihin sa kanya na mahal ko pa siya at kinuha ko na rin ang chance na yun na ang last dance naming dalawa.
Gabi na halos, nakahilata pa rin ako sa kama. Ganito ba ang feeling nang wala si Ace tapos hindi ka busy? Was ka ng magawang productive sa buhay mo?
Bigla namang tumawag si Ashley, ang trusted agent ko kapag may bahay ako na pinapabenta. "Hello Ashley? Bakit?"
Hello, sir. I just want you to know na nabenta na yung bahay..
Nanlaki naman ang mata ko. Nabenta na pala. Wala naman akong balak talagang ibenta kaso Malabo na yung sa amin ni Ace, ano pang dahilan ko para sa bahay na yon kung hindi naman na siya babalik? Titirhan ko? Titirhan ako sa bahay na pinagsisisihan ko? Pinagsisisihan ko kase iniwan ko si Ace.
Should I be happy or hindi?
"That's great, Ashley! May reward ka ulit sa akin! Thank you!"
Always welcome, sir. Thank you rin po!
"Sige, Ashley. Update mo ko. Okay?"
Okay po. Ay sir! Hinahanap ka po ng buyer, She just want to ask you something about the house.
About the house? Anong sasabihin ko? Etong bahay na to ay para talaga sa mahal ko kaso wala na siya kaya I decided to sell it. Thank you for buying this house, I hope alagaan mo 'to kase mahal na mahal ko tong bahay na to. Ganito ba?
"Okay okay, I'll update you kung kailan ako free. I'm still busy.."
Okay, sir. bye po.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
أدب الهواةMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...