ACE'S POV
2 years later. 2nd birthday na ni Jace. Sobrang nasstress na kami ni Christian para mapabongga lang ang party ni Jace. Gusto raw niya ng Cars themed party. Ako naman tong nastress sa pagbabake ng cupcakes and isang malaking Cake na may Cars.
"Jace, what's your wish?" tanong ko naman kay Jace habang nagreready na siya mag-blow ng candle. Bumulong naman bigla sa akin si Jace. "makita ko na Daddy.." he said.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ang wish ni Jace ay magkaroon ng marami pang cars! Yehey!" sabi ko naman sa kanila, napatingin naman sa akin si Jace. Alam naman na ni Jace na nandito si Christian. His step-dad.
Binigay ko kase picture ni Jeremy kay Jace at every time na nakikita niya si Christian, nagtataka siya. Bakit daw hindi kamukha? Kahawig siya, actually. Araw araw niya halos hinahanap si Jeremy.
Tanga ko no? Imbis na si Christian ang ituring niyang Dad, pinakilala ko kaagad ang tunay niyang Daddy. 2 years na nakakalipas, pero buhay na buhay pa rin siya sa puso ko. Syempre, buhay na buhay si Jace. Feeling ko pag masaya si Jace, masaya rin si Jeremy. Pag malungkot si Jace, malungkot din si Jeremy. Feeling ko si Jace, si Jeremy. Kaya kahit na kinakalimutan ko si Jeremy, makita ko lang si Jace, parang si Jeremy na kaharap, kausap, kalambingan, at kakulitan ko.
"Audrey.." tinawag ako ni Christian in the middle of my deep thinking moment. "Yes?" I smiled at him trying to cover up my mind na lutang.
"I love you.." he smiled at me. Kaya ayoko tong naaabutan akong tulala eh. Hindi siya nabigong pakiligin at pagaanin pakiramdam ko. Such a cutie.
"Halavyutu bebe" asar asar ko naman sa kanya habang papalapit siya sa akin. "Halavyutu bebe pala ha!" Niyakap naman niya ako ng napakahigpit at hinalik halikan sa mukha.
"Linisin mo na make-up ko bilis!" sabi ko naman sa kanya habang ipit na ipit pa rin ako sa yakap niya. Ang galing diba? "joke lang, syempre." sabi niya. Ever since na nagkmabutihan ko neto, sobrang clingy na niya sa akin. Feeling ko nga masyado kaming PDA eh.
"I love you too, Christian.." sabi ko naman sa kanya pagkayakap ko sa kanya. I smiled at him, letting him feel how great I am with him. Siguro nga this is what I need, to forget about my past and start a new life with him.
Hindi ko dapat hinahayaan sarili kong mabulok sa nakaraan, kase ang nakaraan ay nakaraan, hindi pwedeng maging present nor future. Sobrang laki na ang naitulong sa akin ni Christian and ayokong palitan yon ng sakit sa puso niya. He gave me everything kahit na hindi niya hingin ang pagmamahal ko, I gave it to him kase sa dalawang taon na 'yon inintindi niya ako. Sa mga panahong napapanaginipan ko si Je kapag katabi ko si Christian. Sa mga panahong umiiyak ako kase naaalala ko si Je. Sa lahat ng panahong hindi ko pa kayang kalimutan ang aming mga ala ala, nandyan pa rin siya. He deserves to be loved.
He deserves to have a chance na makaramdam ng may magmamahal sa kanya pabalik na hindi nasasayang bawat pagod at effort na binigay niya. At sa ngayon, Christian is my boyfriend. Hindi pa namin napaguusapan ang pagpapakasal kase iniintay pa namin ang desisyon ni Jace kapag lumaki laki na siya.
Sa dalawang taon na nakalipas, tapos na rin yung store ko. Naging patok naman din siya kaagad sa amin at ito ang nagdala sa akin papunta sa TV. Nakilala naman agad ako dito sa amin at na-offer-an pa ako ng project sa states pero hindi ko tinanggap. Priorities is priorities.
Kaya naman na ng business ko dito ang pagpapalaki ko kay Jace. Hindi ko na rin naisipan na mag-states kase ayoko ng ma-ulit ang nangyari sa akin sa ibang tao kase alam ko kung gaano kasakit yon.
"I'm proud of you anak!" bigla naman akong niyakap ni mama habang nagliligpit ako ng mga laruan ni Jace. Anong meron? "Huh? Saan, ma?" I asked.
"Ngayon lang kase kita na kitang masaya ulit.. Totoo na ba yan?" tanong naman sa akin ni Mama. Matapos akong sabihan ng maganda, may pahabol pang pagdududa.
"Mama, dalawang taong mahigit na nakalipas, okay na siguro ako dito, masaya na ako kay Jace at kay Christian.." I placed my hand on top of her hand at ngumiti naman ako.
"Sa dalawang taong pagiintay ko, hindi ko namamalayang wala na pala akong iniintay kase dumating si Christian, ma. Dumating yung taong tinanggap ako, minahal ako, kahit na ganito past ko." pahabol ko pa.
"Paano kung bumalik siya?" bigla naman niyang na tanong.
Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko yan, PAANO KUNG BUMALIK SIYA? Mahal ko pa rin ba siya? Mahal pa rin ba niya ako? Namimiss ko lang ba siya? Hindi pa rin ba ako nasasanay sa absence niya? Paano kung nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaintindihan noon at aayusin niya pagbalik niya dito? Paano kung iniintay niya lang yung limang taon at babalikan na niya ako?
Paano kung bumalik siya pero may iba na akong mahal?
"Mom, wag na nating isipin yan. Masaya na ako kay Christian." sabi ko naman sa kanya. "Hindi mo ba naisip na babalik siya?" she then asked me.
"Mom!" ang kulet naman kase, ano bang gusto ni mama at pilit niyang inoopen to sa akin?
"Look, ma. Naiisip ko pero hindi ko alam pag nandon na ako sa sitwasyon na bumalik na nga siya." napatayo naman ako at tumingin sa kanya. Huminga ako ng malalim, at ngumiti sa kanya. "Kaya ngayon! Huwag na natin isipin yan kase nagiintay sila Jace at Christian sa shop."Hindi na umimik si mama, napansin niya siguro ang pagpipigil ko sa pag-iyak. Mother knows best nga talaga. Pumunta naman na kami kaagad and nagdrive thru sa McDonalds for Jace.
"Jace!" Tawag ko naman kay Jace na nakatalikod sa akin at nakaupo. Napalingon naman siya sa akin at sa kanyang pag ngiti, nakita ko ulit siya. Si Jeremy.
"Mom!" niyakap niya ako ng napakahigpit na feeling ko ba si Jeremy ang yumayakap sa akin. Yumakap naman ako pabalik sa anak namin at hindi ko napigilan, naiyak agad ako.
"What is this?" iniangat ko naman yung supot na galing sa McDonalds ng dahan dahan at ngumiti sa kanya. Pinunasan naman niya luha ko. "FRIES!!!" sigaw naman niya at biglang napayakap ulit.
"Miss ko rin papa.." bulong naman niya bigla sa akin. Ang bata bata pa neto, ganito na naiisip neto. Lalo akong naiiyak sa sinasabi netong batang to eh. He didn't say a word ulit, pinunasan naman niya luha ko and smiled at me. I kissed his hand at tumakbo naman siya paderetso kay Christian.
"Anong sabi sayo, nak?" tanong naman ni mama sa akin pagkatayo ko. "miss na niya si Je." napalingon naman ako sa kanya at pilit kong ngumiti. Alam ko naman na alam na ni mama nararamdaman ko ngayon kaya so ngiti ko pa lang gets na niya ako.
"Audrey.." and then here comes Christian walking towards me. Feeling ko nagbabrighten up yung dark world ko whenever he's around. He kissed me on my lips and then hugged me. "Hi Christian!" sabi ko naman.
"what's the problem of my baby?" he asked me na may kasamang pangungulit. "Baby ka dyan? Wala no. Uuwi na kase si papa, next week. We need to prepare for it!" sabi ko naman kay Christian.
"Ay! yes!" bigla naman siyang napasigaw at napangiti. "We need to talk about that." he said. Akala ko naman hahalikan niya ako sa pisngi yun pala bubulungan niya lang ako ng ganito.
Feeling ko kilalang kilala na ako ni Christian kahit na hindi pa ako nagkkwento about kay 'mystery husband' na sinasabi niya sa akin. Every time na ipapakwento na niya sa akin 'yon, napapaatras ako. Mabuti nga't naiintindihan niya ako kahit hindi ko pa kaya tho siya na yung happiness ko.
"Okay, boss." sabi ko naman. Syempre, makakalimutan niya 'to later. May pagka makakalimutin tong pogi na 'to eh. Sa sobrang pogi nga, nagaalala akong may iba siya. Sa kapogian palang niya, kayang kaya na niya humakot ng limpak na babae. Kindatan lang niya siguro yung mga yan, laglag na panty ng mga babaeng yon pero syempre, ayokong mangyari 'yon.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
Fiksi PenggemarMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...