"Anong oras na?" ilang beses ko ng tanong kay Christian na nagdadrive papuntang airport kasama si Jace at si mama. Hindi ko na pinag-drive si Kuya driver kase bonding time with family muna. Ngayon kase uwi ni Dad at I'm so excited to see him after 7 years, I think.
"Chill, baby. Aabot tayo." sabi naman ni Christian na mukhang napakahinahon. Ilang beses ko na kaseng tinatanong at pinapakaba si Christian na bilisan pero ayan pa rin siya, saya saya. Kala mo naman masaya talaga.
"Eh kase baka late tayo.." sabi ko naman or ang OA ko lang talaga? Gusto ko kase maaga kami kaysa sa pagdating ni Papa para siya ang masurprise at hindi kami.
"Chill.." sabi naman niya. Napaupo na lang ako ng maayos sa front seat at nakinig ng music.
-
"We're here!" sigaw naman ni Christian pagkapark sa parking. Naka tulog pala ako. Napamulat naman ako at agad napalingon kay Christian na nakangiti sa akin. Heaven.
"Next time, matulog kase ng maaga. Hindi yung nagpupuyat." sabi naman ni Mama sa likod. Wala kase akong maayos na tulog kagabi. Dalawang oras lang halos tulog ko, masyado akong naexcite kay Papa.
"Tara na! Bilis!" yaya ko naman agad sa kanila as if na wala silang insultong sinabi sa akin. Takbo naman ako kaagad sa loob ng airport. Excited na excited sa pagbaba sa escalator ni papa.
Winawagayway ko ang Welcome Home Daddy Espinosa! habang sunod sunod namang nagsisibabaan sa escalator ang mga kakauwi ko lang galing ibang bansa.
"What time is it?" I asked again for the nth time kase kanina pa ako nagwawagayway at wala pang Daddy Espinosa ang nagshoshow up don.
"Uhm- malapit na yon. wait ka lang." Sabi naman ni mama na buhat buhat si Jace. Buti hindi to nabibigatan?
Sa pagiintay ko, napalingon ako sa isang lalaking may dala dalang malaking bag sa likod at tumatakbo pababa ng escalator. Mga kasing edad ko lang halos sa itsura yung lalaki. Sinundan ko ng tingin ang kayang pagtakbo. Bigla naman niyang binaba yung dala niyang gamit at niyakap ng napakahigpit ang kayang girlfriend.
Nasabi kong girlfriend kase hinahalikhalikan niya 'to. Bigla naman akong natulala sa kanila, navisualize ko naman kaagad si Jeremy at ako, na nakauwi na siya dito. Siguro ang saya saya ko sa araw na yon. Siguro magiging katulad nila yung pagsalubong ko sa kanya?
Naalala ko tuloy na after 5 years, ako susundo sa kanya. Naalala ko rin na nag-promise ako na ako susundo sa kanya sa kayang nagbabalik pero promises are meant to be broken, right? Kung yung promise niyang hanggang dulo kami, eh nabroke, edi pati na rin dapat to makalimutan na.
Siguro nga't hindi pa ako sanay sa absence niya hanggang ngayon pero alam kong masasanay din ako at makakalimutan ko rin siya completely and besides, Christian is here with me para kalimutan lahat ng alaalang nagpapakapit sa akin kay Je.
Sa aking pagtitig sa mag-syota, kinalabit naman ako bigla ni mama. "Look" Napalingon naman ako sa direksyon ng turo niya- sa may escalator, Si papa! Agad namang bumakat ang ngiti sa aking mukha at agad na naging hyper.
"Audrey! Mama!" sigaw naman ni papa nang salubungin namin siya. Napalingon naman siya kay Jace. "Eto na ba ang apo ko, Audrey?" he asked with a smiling face.
"Yes, pa!" sabi ko naman pag tapos niya kaming yakapin at i-kiss sa pisngi. Napalingon naman siya kay Christian na nakangiti sa kanya. "Pa, eto nga pala si---" he cut me off.
"Oh! Jeremy! ikaw na ba yan! Laki ng pinagbago mo a!" bigla namang sabi ni papa kay Christian at lahat kami napatingin kay Papa. "Napagiwanan na ba ako ng panahon?" he asked.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...