Chapter 17

6 0 0
                                    

CHRISTIAN'S POV

Ilang araw ko ng tinetext at tinatawagan si Audrey pero hindi niya sinasagot or even mag-reply. I'm so worried. I even went to her house to check on her but sabi ng Mom niya na she needs more time for herself at ako wala namang magawa kundi ang umalis na lang.

After ng pagpapakita ko sa kanya ng picture doon na siya naging cold. Ano bang nagawa ko? May mali ba akong ginawa? Hindi ko alam bigla na siyang naging ganon. I know may sakit siya pero I can be her nurse. Wala akong makausap dito sa bahay, my Mom is busy, of course, my Dad is busy. Si Jess? Ilang araw ng tahimik. Hindi ko na makakwentuhan, lagi siyang naalis at blanko ang mukha sa bahay unlike before na maingay sa bahay.

What is happening? May hindi ba ako alam?

Fifth day na ni Audrey na hindi nagpaparamdam. Hindi ko na 'to kaya so I went to her house. Tanghaling tapat na, nagpumilit akong pumasok kay Yaya para makausap ko na si Audrey. Pinapasok naman niya ako and dahan dahang binuksan ang pintuan.

I was about to enter nang marinig ko yung sigaw ng mom niya. "Ace! Kain na!" Napastep back naman ako sa narinig ko. Ace? Ace? Ace? Bumilis tibok ng puso ko. Hindi 'to pwedeng mangyari.

Tumakbo ako papunta sa kotse and drive myself home to talk to Jess.

"Hindi pwedeng si Ace at Audrey ay iisa.." sabi ko naman sa sarili ko habang ang bilis kong magpatulin ng kotse. Hindi ko na halos makontrol sarili ko sa mga naririnig ko.

As I went home, dumeretso ako sa kwarto ni Jess and saw him na nakadapa sa kama niya. "Jess.. Anong real name ni Ace?" tanong ko naman agad sa kanya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

Napaayos naman siya ng higa. "Audrey Claire Espinosa. Why? Did you find her?" sobrang lambot lang niya magsalita. My tears started to fill my eyes. "Pag nahanap mo siya, hayaan mo na siya. I'm fine without her.." nagulat naman ako sa sinabi niya na I almost lost interest about my feelings. Kaya ba nagmumukmok din si Jess kase may nalaman na rin siya about kay Audrey?

I shut the door and pagkabagsak na pagkabagsak ng pinto, sabay rin ang pagbagsak ng luha ko. Dumeretso ako sa bar na lagi kong pinupuntahan and drunk myself there.

"O? Ang aga mo naman, Christian?" gulat na gulat naman sa akin yung bartender don kase madalas around 8PM ako napunta before at ngayon wala pang 6PM, nandon na ako. I have to.

"Alam mo na kailangan ko." sabi ko naman sa kanya and then binigyan niya ako ng isang baso ng gin. Inis ang inom ko siya and asked for more. "O? Anong problema? Tama na muna, Christian." sabi naman sa akin pero sinagot ko siya kaagad.

"Shut up and give me more!" tumahimik na lang siya at binigay lahat ng gusto ko.

Kaya pala favorite ni Jess at Audrey ang red velvet. Kaya pala umiyak si Audrey nung araw na pinakita ko sa kanya picture namin ni Jess. Si Jess pala si Jeremy. Kaya pala na tanong niya yung about sa aming magkapatid. Anak ni Jess si Jace.

Hindi ko na alam kung ilan na nainom ko at hindi ko na rin alam kung anong oras na ako nakaupo dito.

Si Audrey pala si Ace. Antanga ko naman sobra para hindi malaman ang nickname niya o sadyang tinatago lang niya? Audrey Claire Espinosa short for Ace. TANGA MO CHRISTIAN! Bakit siya pa? Bakit kung kailan pang nagtino ako? Bakit sa mahal pa ng kapatid ko? Bakit kapatid ko pa ang kaagaw ko?

Gaano ba katagal gusto akong turuan ng leksyon ng panahon?

"No, no-- you want the best for your brother, give it to him!" sabi ko sa sarili ko while blocking myself from planning how to get rid of my brother in Ace's life.

Pinangakuan ko si Jess na I don't want him to get hurt kase gusto ko masaya siya. Ngayon, malungkot siya, dahil kay Ace, ibibigay ko na sa kanya si Ace. Tutal sabi ko naman sa kanya pag masaya ka, mas masaya ako. Masaya naman ako kapag binigay si Audrey, ang pinaka sineryoso ko at minahal kong totoo na babae, kay Jess, diba? Masaya ako diba?

Alam ko na kung bakit ayaw pa magpakita ni Audrey sa akin. Nalilito na siya ngayong alam na niya kung nasan at sino si Jess sa buhay ko. Hayaan mo, Audrey. Hindi na kita guguluhin pa. Papasayahin ko kayo ng kapatid ko.

I texted Audrey first kahit na hindi ko ganon makita keyboard ng phone ko.

I love you, Audrey Claire Espinosa. Kwentuhan mo ko pag ready ka na ha? Magiintay ako. :)

and then texted my brother, Jess.

Sorry, brother. Pag masaya ka, mas masaya ako, diba?

I put my phone inside my pocket and tried myself walk properly papunta sa kotse. It's 12AM at wala na masyadong kotse sa kalsada so I did what I have to do. Pinatulin ko kotse ko, my tears kept on falling having no plan to wiped it off away. Hindi ko na alam kung saan saan ako naikot.

At dahan dahan, naalala ko lahat ng ginawa namin ni Audrey sa apat na taong nakasama ko siya.

Siguro kung hindi ko siya nakilala at nagustuhan, at pinagpatuloy kalokohan ko, hindi ako aabot sa point na magpapalaya ako dahil kailangan. Kung walang magpaparaya sa aming tatlo, ako na lang ang gagawa. Ganon naman diba? Kung mahal mo, papakawalan mo. Bakit mo pa hahawakan ang taong ipit na ipit na sa'yo? Ano pa bang maidudulot non? Masasaktan lang naman kayong dalawa lalo na ikaw, ikaw na kumakapit.

Masaya na siguro ako kase kahit sa ilang taon na yon, nakaramdam ako ng tunay na pagmamahal. Natuto akong magmahal ng totoo sa kanya. Marami akong natutunan na dapat pala hindi ko nagawa noon. Masaya ako kase naging isang connection ako para sa dalawang taong nagmamahalan kahit na alam kong masakit para sa akin kase minamahal ko rin si Audrey.

Pagpasensyahan na nila sana ang mga gagawin ko pero sooner or later, they'll thank me for doing this so.

And just what I'm expecting. "I love you, Audrey.."

*long sound beep of a truck*

Everything went black.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now