"Pagkatapos non, tahimik na ulit kami na para bang hindi nangyari yung sayaw na yon. Binigay niya sa akin yung bayad doon sa cupcakes. Hinatid niya kami sa kotse namin and kissed me and Jace goodbye sa forehead. Hindi ko naman siya kinibuan non kase ayoko lang, ma.." kwento ko naman kay mama kinabukasan after nung sayaw sayaw moment namin.
"Bakit naman? Ang sweet niyo na! Bakit natigil pa?" she asked. "Ayoko, ma. Gumagaan loob ko ulit kay Jeremy at ayoko manang gumaan agad. Ayokong hahanap hanapin ko nanaman siya.." sabi ko naman. Kahit na ngayon hinahanap hanap ko na presence niya ulit.
"Wag mong pigilan sarili mo na mahalin ulit si Jeremy, Ace." sabi naman niya. Alam kong gusto niya na magbalikan kami para kase sa kinabukasan ni Jace. Iba pa rin daw kapag buo ang pamilya.
"Hindi ko naman pinipigilan, ma. Iniiwasan ko lang na bumalik." pilit ko namang paintindi kay mama kahit alam kong hindi pa rin niya iintindihin kase gusto niya nga kami ulit.
Hindi na niya ako pinansin matapos kong sabihin yon, bigla namang pumasok ng nakangiting 100 si Jace sa kwarto nila mama. "Lola!" tinawag niya si mama. Napatingin naman si mama kay Jace.
"Love na ulit Mommy si Daddy! Dance sila kahapon sa school! Naka embrace parehas!" sumbong naman ni Jace kay mama. Namula naman ako sa sinabi ni Jace. Naalala ko kase kung gaano ka magical yung sayaw namin. After all these years, nahawakan, nakita at nahagkan ko ulit si Jeremy.
"Oo nga! Nikwento na sa akin ni Mommy mo!" kinalong naman niya si Jace. "Gusto mo na ba ulit si Mommy at Daddy together?" tanong naman ni mama kay Jace. Ano ba naman to si mama.
"Yes!!" tuwang tuwa namang sabi ni Jace. Napatingin naman sa akin si Mama at napangiti. Please don't give me that smile. Wag niyang i-brainwash si Jace.
"Mommy ha? Balik na kayo Daddy!" inalog alog naman ako ni Jace. "Bahala na, Jace!" sabi ko naman. kase hindi pa ako handa, Jace. Sorry.
"Ay oo nga pala, anak! Nakahanap ako ng bahay na pwede niyong lipatan!" sabi naman ni Mama sa akin. Oo nga pala, syempre, kailangan ko rin magkaroon ng privacy sa aming dalawa ni Jace at hindi maging pabigat sa parents ko kaya naghahanap ako ng bahay namin ni Jace.
"Saan ka nakahanap?" tanong ko naman kay Mama. "Lilipat tayo mama?" nakisingit naman tong si Jace sa usapan namin.
"Yes, bby." sabi ko naman. "Yeheyyy!!!! Makakasama ko na si Daddy!" tuwang tuwa naman si Jace, akala niya kaya kami lilipat kase kasama na si Jeremy pero akala lang niya yon. Hindi ko na sinagot si Jace para dyan.
"Maganda yung location niya, sobrang secured siya, and i'm sure magugustuhan mo yun." sabi naman ni mama. Sana nga magustuhan ko kase as much as possible gusto ko yung ako gagawa ng style para with love yung bahay kase bihira lang din naman ako makakita ng bahay na magaganda sa mata ko. I hope magustuhan ko nga.
"Pwede ko ba siyang makita bukas?" tanong ko naman kay Mama. "Oo, pwede! Bigay ko na lang sa'yo yung calling card ng agent." sabi naman sa akin ni Mama. Okay fine, now I have something to do tomorrow bukod sa pagtatrabaho.
"Sama ako, mommy!" sabi naman ni Jace. "Oo naman.." hindi sana ako papayag kase akala ko may pasok siya bukas pero kahapon nga lang pala yung Friday. kahapon pala nung nakasayaw ko si Jeremy.
-
"Wow! Ang ganda!" rinig ko naman si Jace habang ako napanganga sa nakita ko. Paulit ulit kong pinipikit mulat ang aking mata, hindi makapaniwala sa aking nakikita.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...