JEREMY'S POV
Sayang ang pagkakataon na makilala ko ang maswerteng babae ni Kuya kahapon. Na-late man ako, naabutan ko naman si Kuya sa meeting place namin kaso umalis naman daw si mystery girl at ako naman ngayon ang nag-intay kaso bigla namang tumawag ang nagbabantay sa project ko; yung dapat bahay namin ni Ace kase gumawa kami ng bahay dati at ngayon, binubuhay ko siya pero wala na palang Ace na maninirahan doon so siguro, bebenta ko na lang. Kailangan ko raw pumunta don kase nagkaaberya sa mga appliances doon. 4 years after kong umalis dito, pinaayos ko na yung bahay namin so by March or April, matatapos ng magawa 'to.
Naalala ko habang papunta ako sa meeting place namin napalingon ako sa National Bookstore at nakita ko si Ace. May hinahanap siyang libro sa baking section, lalapitan ko sana pero ibang babae pala yung lumabas sa gilid, kasing height lang niya pala. At nang dahil nga doon sa project ko, hindi ko nakita si mystery girl peri nakuha ko naman ang red velvet cake na pinarequest ko.
Pagka-kagat ko sa cupcake sa work place ko. Alalang alala ko si Ace kase mahilig din siya mag-bake at yung lasa kase niya, kalasa ng cupcake ni Ace. I really want to meet Kuya's girlfriend and thank her for reminding me kay Ace. Kung hindi ko siya makikita, edi solve na ako sa nararamdaman ko siya.
Nakita ko naman si Kuya na pumasok sa bahay. Ang bilis naman yatang umuwi neto?
"Kuya, bakit ang bilis mo?" tanong ko naman sa kanya.
"Masakit ulo niya, she'll just rest and see if okay na to meet with her tomorrow." sabi naman niya sa akin.
"Okay lang sa'yo na pinauwi ka niya?" I asked him baka kase hindi talaga okay si Kuya at nagkukuwaring okay lang na wala siyang gawin for his girlfriend.
"Yes. Baka may problema lang din siguro yon and ayaw pa niyang pag-usapan namin. I understand her. Maybe on some other times, kwento na niya." sabi naman sa akin ni Kuya pagkaupo niya sa sofa.
"Hindi ba siya nagkkwento sa'yo?" I asked him. Malay mo kase loko look lang yung babae, at si Kuya naman ang masaktan.
"Slight but she said naman na pag ready na siya magkkwento siya any time." sabi naman ni Kuya. Ewan ko ba, dito lang nagbago ng todo si Kuya. Sa totoo lang, hindi naman understanding, caring, and loving si Kuya. Hindi siya naggirlfriend ng seryoso, fling lang lahat. Ayaw niya ng commitment kase mabilis siya magsawa. Pinapabayaan niya lang yung babae kase sa huli babae lang naman din ang susuyo sa lalaki kase confident siyang hindi siya kayang iwan ng babae niya. Laking gulat ko na lang na umabot ng apat na taon si Kuya sa isang babae at may commitment pa.
Ang swerte siguro ni Kuya kase nabago siya nung babae.
Eh ako? Magmamahal pa ba ulit ako? Solve na sana ako kay Ace pero hindi ko alam kung nasan na siya. Kung pupuntahan ko siya sa bahay nila baka masaktan lang ako sa makikita ko.
Hindi pa ako handa.
Hindi pa ako handang magpaguho ng sarili kong mundo.
Matapos ang paguusap namin ni Kuya dumeretso naman ako sa Rosewood Kiddie School to talk to the owner regarding sa expansion ng school nila.
Pag punta ko don, nakita ko ang mga bata. Naalala ko nanaman agad si Ace. Siguro ngayon, may anak na kami at kasal na kami tapos makikita namin anak namin dito patakbo takbo kaso wala eh. Wala na nga kaseng Ace.
"Welcome, Mr. Santos!" salubong naman ni Mr. Dy; owner ng school na 'to. Ngumiti na lang ako and shake hands with him as a sign of respect. "Dito sa part na to ang expansion, gusto ko na sanang magkaroon ng Grade 1 to 6 building since maganda naman ang takbo ng Nursery Kinder Prep dito." sabi naman sa akin habang tinuturo ang vacant lot sa right side ng school.
Nilibot namin ang buong school and ended up talking in front sa room ng Kindergarten. Isa isa namang nagsisilabasan ang mga bata sa loob, I don't really mind them pero nagulat na lang ako na may isang batang lalalu na ilang Segundo ng nakatitig sa akin kaya kinausap ko naman na siya.
"Hey there.. What's your name?" I asked him at umupo sa harap niya. He didn't answered me but instead kinapa kapa niya mukha ko. What is he doing?
"Don't tell this to anyone.. you look like my Daddy.." bigla naman siyang bumulong sa akin.
"Jace!" sinermunan naman siya ng Teacher niya which made him run papunta sa service niya. Jace? Ano? Another word nananaman na makakapag paalala sa akin kay Ace? Gaano ba ako ka-hate ng mundo at gusto na lang akong pagtatawanan?
"Sino kaya yon?" I asked myself habang naglalakad papalabas ng school. Umuwi naman ako kaagad kase may itatanong ako kay mommy.
Pagkauwi ko naman nakita ko siyang naghahanda ng dinner namin. I kissed her sa cheeks and umupo sa may bar namin. "Mom.. I have a question" sabi ko naman. "Ano yun?" tanong naman niya sa akin.
"Nakikita mo pa ba si Ace?" I asked. Napatigil naman siya sa ginagawa niya pero hindi pa rin niya ako hinaharap. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. "yes.. dati." sabi naman niya.
"Where can I find her, ma?" tanong ko naman kase hindi naman pwedeng dumeretso sa bahay niya. Hindi ako handa talaga. "Tama na, Je. May anak na 'yon."
Tama ba ang pagkakarinig ko? May anak na si Ace? Hindi pwede..
"Kanino?" patuloy pa rin akong nagtatanong. Bakit ang bilis naman ng pangyayari? Bakit ang bilis naman akong makalimutan?
"Mas maganda kung sa kanya manggagaling yung sagot sa mga tanong mo.." sabi naman sa akin ni mama. "Hindi pwede, ma!" napasigaw naman ako at napasuntok sa pader. Dumeretso agad ako sa kwarto.
Tinapon ko sarili ko sa kama at nakatingin na lamang sa ceiling. Blanko ang aking mukha, hindi ko alam kung anong emosyon ang gusto kong ilabas. Bigla nalang akong nanghina magsisisigaw, magsususuntok sa pader at lahat. Buhay pa ba ako?
Kasalanan ko talaga 'to lahat. Kung hindi ako umalis, edi sana may Ace pa akong nakakasama. Kung hindi ako naging busy sa trabaho, edi sana hindi kami nawalan ng komunikasyon at hindi siya naghanap ng iba. Hindi ko matanggap na may anak na siya. Akala ko saglit lang ang limang taon para sa aming dalawa pero sobrang haba pala, enough for her to change me. Gusto ko pa sanang ipaglaban ang ating mga pangako sa isa't isa pero kaya ko pa bang ipaglaban kung ako na lang ang lalaban sa pagmamahalan natin?
Hindi ko alam kung paano ako matatahimik hangga't di ko malalaman ang dahilan kung bakit nag-iba na siya? Kung bakit ganon lang kadali sa kayang kalimutan at palitan ako? Hindi ba niya ako pinagkakatiwalaan na babalikan ko siya pagkatapos ng limang taon? Oo, nawalan kami ng komunikasyon noon, pero never ko siyang pinagpalit. Nakakatempt mang gumawa ng kung anu-ano kase babae kasama ko doon pero hindi ko nagawa kase I love Audrey so much.
Ngayon? Ano pa nga bang saysay ng buhay ko? Mas better na lang siguro na patayin na lang ako. At least yon, saglit lang akong nasaktan. Ayokong mabuhay na araw araw akong pinapatay ng konsensya kong iniwan ko siya dito at regrets na sana hindi na lang yun ang mga naging desisyon ko.
-
"Kailangan mong magpakatatag para sa kanya.." sabi ko naman sa sarili ko matapos kong maggising dahil naka tulog ako sa pageemote ko. Marami pa naman siguro akong pwedeng gawin to forget her. Subsob sa trabaho, sa pamilya, sa lahat bukod lang sa aming mga alaala.
Dumeretso ako sa bahay na ginagawa ko. Walang tao kase pinatigil ko muna silang lahat.
Nakatingin ako sa unfinished wall hawak hawak ang pampintura. Huminga naman ako ng malalim at sinimulan ko naman ang pagpipintura. At habang nagpipintura ako, kasabay ng pagbaba ng kamay ko ang pag tulo ng luha ko. Reminiscing every little thing we did when we're still together.
Mas maganda na nga sigurong balewalain na lang lahat. Kalimutan na nasaktan ako. Kalimutan na sinaktan niya ako. Kung dumating man ang panahon na magkikita kami, I'll make sure na hindi ako magiging malambot sa harap niya. I'll make sure na wala ng Ace sa buhay ko.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...