Narinig ko naman na ang busina ng kotse ni Christian. Napaaga siya ng 1 minute. Wow! 3:59 na pero okay lang. Nagpaalam naman na ako kay Jace, Mama and Daddy. Sila na ulit bahala kay Jace. Nadistract din naman si Jace sa kanyang mga bagong laruan kaya hindi na rin siya nagpumilit sumama.
"Bye Jace! Bye Ma! Bye Pa! I love you all!" sabi ko naman bago ako lumabas ng bahay. Naglakad naman ako wearing white floral dress with my white pumps and small purse. Hindi naman daring yung dress ko kaya there's nothing to worry about.
"Aga mo nga no?" salubong ko naman sa kanya kase sabi niya 3:45 nandito na siya. Napangiti naman siya sa akin na para bang ngiting nahihiya. "Traffic kase eh." sabi naman niya. Pumasok naman na ako sa kotse niya dala dala ang naka box na red velvet cupcake. 6 pieces to baka kase mabitin kung tatlo lang.
"Halika na, pasalamat ka, pogi ka ngayon." sabi ko naman sa kanya. Naka-semi casual siyang damit na bagay na bagay sa kanya ng bonggalicious. Feeling ko may asawa na akong nakakamatay.
"Ngayon lang?" tanong naman niya sa akin at pumreno naman siya bigla. Nagtampo naman kaagad 'tong si Christian. Syempre, lagi kang pogi sa akin kahit pang tulog ka at nakanganga ang pogi pogi mo.
"May sinabi ba ako? Sorry na, Tito Christian.." mimicking Jace's voice. Tinakluban naman ng kamay niya mukha ko tapos napangiti nanaman siya ng bongga.
"Wag ka ngang ngumiti!" sabi ko naman ulit sa kanya nung nakita ko siyang ngumiti. Ang cute cute kase eh. Sana mabilis na lang kalimutan si Jeremy sa'yo para hindi ko maalala ng paulit ulit siya.
"Why? I can't help it! you're so cute!" sabi naman niya na napatameme ako sa kanya. Napaayos ako ng upo at hindi siya inimikan hanggang sa pagdating namin sa meeting place namin nila Jess. Dalang dala ako ni Christian, to be honest. Kaya nga, kung dumating man yung araw na si Jeremy at Christian na pipiliin ko sa dalawa, si Christian na pipiliin ko. Ay wait-- ang gulo!
Hindi ko kayang palitan si Christian, hindi ko kayang saktan si Christian. Sa ilang taon naming magkasama, all he did was to comfort me kapag sobrang nadodown ako at naaalala ko si Je, understand me kapag matigas ulo ko at tinataboy ko siya kase sinusumpong ako ng sakit ko kay Je, love me ng bulong buo kahit wala pa sa kalahati nabibigay ko kase hanggang ngayon, na kay Jeremy pa yung halos kabuuan ng pagmamahal ko.
Ewan ko ba't ano pa ang humahatak sa akin pabalik para hindi ko kalimutan si Jeremy. Ebidensya na ang mga sulat niya na wala ng kami. Kung nandito naman na siya ngayon, malaki ang tsansa na magkita kami or mas malala nagkasalubong na kami pero parang wala lang. Kung hindi ko pa siya makikita, titigilan ko na si Jeremy. Titigilan ko ng maghanap kahit ayaw ni Jace.
"Saan na siya?" tanong ko naman sa kanya. Mga 15 minutes na kase kaming nakaupo, hindi pa kami nakakapagorder ng food kase wala pa brother niya. Nagorder naman na ako ng iced latte para naman magkaroon na ng laman yung lamesa namin bukod sa tissue at mga sprinkle sprinkle keme dito sa ibabaw.
"On the way na raw, medyo na-late siya kase may dinaanan daw siya." sabi naman ni Christian sa akin. "15 minutes daw." pahabol naman niya. Pa-VIP naman 'tong lalaking to.
"Christian, may bibilhin lang ako ha? Matagal tagal pa naman pala si Jess. Wait niyo ako." sabi ko naman kay Christian. May kailangan kase si Jace sa school niya na kailangang ipasa bukas tapos si Mama naman gusto ng damit. Hays.
"Sige, hurry up, okay? I love you." sabi naman niya. Umalis na rin naman na ako kaagad. Pumunta ako sa national bookstore at napunta ako sa mga books about baking tapos ayon nawili naman ako kakabasa. Paikot ikot ako don tapos eto pang babaeng to singit ng singit sa likod ko. Ang panget pa, ka-height ko at kabuhok ko pa. O diba? Badtrip. Sinaglit ko lang din naman ang aking pagtitingin sa libro at binili na lahat ng kailangan ni Jace. Pag labas ko naman, napatingin ako sa far right ko at nanlaki mata ko sa nakita ko.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...