Chapter 2

12 0 0
                                    

Ilang araw na ba nakakalipas mula nung huli nating paguusap? Ilang buwan na ba ang nakakalipas mula nung huli kitang nakapiling? Bakit unti unti ng lumalabo? Tinatanggal mo na ba lahat ng nakapako nating sumpaan?

Araw at Buwan na ang nakakalipas, eto pa rin ako umiiyak. Iniiyakan ka pa rin. Ano na bang nangyayari?

3rd month ko kay Jace, hindi na kami araw araw naguusap. Hindi ko alam kung sino sa amin ang busy. Alam ko namang busy si Jeremy sa trabaho niya pero kilala ko siya, pag importante sa kanya gagawa't gagawa siya ng paraan para lang makausap o matapos niya yon habang di pa natatapos ang isang araw pero ngayon importante pa rin ba ako?

Unti unting tumatagal, paonti ng paonti na rin ang pakikipagkomunikasyon ko sa kanya. Madalas na rin kaming nagaaway sa walang kwentang bagay pero pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi namin sa isa't isa na "break up will never be our last option" kase ganon naman talaga e, laging may pagsubok.

6th month ko kay Jace, nagsend si Jeremy ng letter sa akin kaya pala na tanong niya noon kung ano address ko, eh alam naman niya kung ano pero pinagbigyan ko kase baka stressed lang sa work.

Dear Ace,

I miss you so much! I really really do! Sorry kung hindi na kita naka kausap sa Skype or even left a message everyday. I've been very busy lately kase maya't maya ako natatambakan ng trabaho dito. Ang hirap pala pag wala ka dito. Ang hirap kumuha ng lakas mula dito hanggang dyan. I promise to send you a letter every month and pag balik ko dyan, I will fill every empty container na naiwan ko sa puso mo. I love you so much, Audrey Claire Espinosa! Mag-iingat ka!

Your soon to be husband, Je. ❤

Sumulat naman ako pabalik agad kase akala ko kinalimutan mo na ako.

Dear Je,

I miss you too sobra! Hindi ko na alam nangyayari sayo but I hope wala kang ginagawa dyan na hindi maganda kase ayokong mawala ka, Je, to be honest. I miss every little thing about you, I miss you. Akala ko kinalimutan mo na ako and inaaway mo na ako madalas. Is everything okay there ba? Umuwi ka na please. I miss you! Hindi pa ako nagwowork ngayon kase may inaasikaso pa kami ni mama. Iintayin kita dito ha? I love you so much at hindi magbabago to. God bless!

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now