JEREMY'S POV
"Hindi naman ganon kahaba ang limang taon diba?" tanong ko kay Blake na isa sa mga naging tropa ko dito sa states. Fil-Am siya. Dito siya lumaki pero Tagalog ang nakasanayan niya dahil yung mommy niya ay isang Filipina at lagi niya halos naka kasama.
"it depends, bro. Kung kaya mo, saglit lang yon. Kung magbabago ang ihip ng hangin, I don't really know. It's up to you, bro." sabi naman niya sa akin. Sa totoo lang, kulang na kulang talaga bawat araw ko ng hindi siya kasama.
"Gusto ko ng bumalik, pare, kaso si Liza talaga eh." inis na inis ko namang sabi kay Blake.
"yung baby na dinadala niya is not your child." sabi naman ni Blake sa akin. Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. "Paano mo nasabi?"
"I was there at the party. Plano na ni Liza na lasingin ka at pagtake ka ng drugs so that she can have the best time with you kaso, nalasing ka niya pero nothing happened between you and her." sabi niya.
"Ang gulo, what?"
"You're aware that Dianne like you, right? she saved you. See, John and Liza is having a secret affair with each other, eh diba si John may girlfriend? and Liza? I've known Liza before. Ganyan talaga siya. Diba? Dapat makukuha niya agad gusto niya and since maganda siya, ginamit niya yon but nahirapan siya sa'yo. Dianne contacted John about Liza's plan to you, dumeretso sa condo mo si John. Liza is drunk non, as in, really really drunk. Hindi ko nga alam how she manage to take you home pero she's really drunk, and when she's drunk ibang tao nasa mata non. Yung taong gusto niya. So dumating si John sa inyo na nilalaro laro ka na ni Liza but etong si John tinulak ka pababa sa bed and they do their thing sa gabing yon." kwento niya.
Hindi pa rin ako makasalita kase I feel like hindi pa tapos.
"After non, you woke up. Tinanggal mo polo mo at nahiga ka na ulit sa kama. Naka alis agad si John non and ngayon, I think alam na ni Liza na hindi mo talaga anak yon, She just want to blame it all to you para masira kayo ni Ace because as I said, she likes you very much."
Hindi ko alam gusto kong gawin kay Liza sa ginawa niya sa akin. Pinagmukha niya akong tanga. Pinaniwala niya ako sa mga kalokohan niya.
"Guys! Foods!" saktong sakto lang din pala siyang dumating. Saktong sakto lang din yung mood niyang napakasaya para magbago. Sa sobrang galit ko, hindi ko siya pinansin.
"Liza!" natahimik siya bigla sa sigaw ko. Napalingon sa akin si Blake na sinesenyasan ako para magchill lang pero ayoko. Chill? Chill pa ba gusto kong mangyari?
"Chill, Darling. Bakit?" tanong naman niya sa akin na lalo akong naaapoy sa galit. "Shut your fvcking mouth! Magsabi ka ng totoo, Liza." sabi ko sa kanya habang i'm squeezing my own hand.
"Huh? Anong sasabihin kong totoo? Wala naman akong tinatago sa'yo." she said habang inaayos yung pagkain na binili niya. Best actress naman pala!
"Magsasabi ng totoo o kailangan pa kitang saktan bago mo sabihin yang tinatago mo?" Napatigil naman siya sa sinabi ko at humarap sa akin.
"O! Alam mo na pala! Thanks, Blake!" nagiba naman tono ng boses niya na akala mo may demonyitang nagsasalita. Lumapit naman ako agad sa kanya at nabuhos ko lahat ng galit ko sa kanya.
"Bakit ha?! Bakit?! Bakit ganyan ka kasama, Liza?!" galit na galit kong sabi sa kanya habang pilit na iniiwasang masaktan ko siya physically. "You want to have everything?! Alam mo ba Liza? Gusto ko rin, gusto ko rin makuha si Ace, kase she's my everything! and now she's gone because of you!" tinilapon ko yung lamesang puno ng pagkain na binili niya.
"Hindi ko na siya mababalikan, naiintindihan mo ba yon?! Inalis mo lahat sa akin, Liza.." agad namang tumulo luha ko sa galit. "Nang dahil sa kalokohan mo, nawala yung taong pinakamamahal ko.. Why are you so selfish?!" I can't contain this anymore at lumabas na ako.
Ilang buwan na nakalipas matapos 'tong eksena na 'to pero pakiramdam ko napakafresh pa rin niya. Umalis ako kaagad sa condo at lumapit sa iba, nakitira muna ako kanila Blake. Napagbigyan pa niya ako na hangga't di nata tapos project ko dito, at hanggang di pa ako na kakauwi, sa bahay muna nila ako titira.
Christmas na dito, mabuti na lang medyo nakakaclose ko na family ni Blake. Nagkaroon ako ng short time to talk with my family. I called them.
"JEREMYYYYY!!!" kahit pang 50% Volume na lang ng laptop ko, rinig na rinig ko pa rin ang lakas ng sigaw ni Mommy. Well, alam ko namang miss na miss na ako neto at miss na miss ko na rin sila nila Chris and Dad although alam kong busy si Dad sa work niya. Ilang buwan din ang nakalipas nung last ko silang na kausap.
"Bakit ngayon ka lang, anak? Akala ko naman kung ano na nangyari sa'yo.." sabi naman ni mama. Well, may good explanation naman ako sa kanya. "Ma, ang panget ng internet connection doon sa dati kong inuuwian, ngayon, lumipat na ako sa bahay ng team mate ko- pag uwi ko kkwento kung bakit..--" sabi ko then she cut me off.
"Hinahanap ka ni Ace.." napalitan naman agad ng malungkot na mukha ang masaya kong mukha. "Kailan, ma?" I asked her.
"Eh-ano, anak, eh. Matagal na.." sabi naman niya na para bang ayaw pa niyang sabihin. Ayoko na magtanong tanong about sa kanya. Mas mahihirapan lang ako sa trabaho ko kung iisipin ko pa masyado si Ace.
"Anak! May bago ka na ba dyan?" tanong naman ni mama sa akin pampaiba ng topic. "Wala, ma. Siya pa rin naman, ma." sabi ko at pilit na ngumiti. Siya lang naman kase talaga.
"Ma, nasan si kuya Chris?" tanong ko naman kay Mama. Dalawa ang kaming anak ni mama. Ako at si Kuya na mas matanda sa akin ng dalawang taon. Kasama siya ni papa sa company niya at ako? mas pinili ko yung dream job ko kaysa sumunod kay Dad. Feeling ko kase I will never improve myself kung pipilitin ko sarili ko sa trabahong hindi ko naman gusto.
Close na close kami ni Kuya. Mapagparaya siya in a way na kapag alam naman niyang mas kailangan ko, ibibigay niya na sa akin. Ako ay anak din sa iba ni mama. Si Kuya ang nauna, tapos nag-away daw si Dad and Mom, kaya eto naman si Mommy, naginarte, naghanap ng iba, tapos nabuntis, eto naman si Papa, hinabol si Mommy, kaya ayon! Nagkabalikan ulit. Tinanggap ako ng buong buo ni Dad. Nakuha ko apelido ng Mom ko, hindi niya ginamit ang apelido ng tunay kong Daddy kase ayaw niya, tapos eto naman si kuya Chris o kaya naman Leonardo - Tawag ko sa kanya kapag nagagalit ako- nakuha naman niya surname niya edi sa Daddy namin ngayon.
"Ayon, pinuntahan yung nililigawan niya or girlfriend niya yata yon?" sabi naman ni Mommy. Wow! Himala! Si Kuya nanliligaw. Actually, never pang nagseryoso si Kuya sa isang relationship. Laging yung babae ang naghahabol and parang this time, nagiging lalaki na siya talaga.
"Totoo, Ma?!?!" excited na excited naman ako for Kuya. "Oo, kuyang kuya na ang kuya mo!" sabi naman ni mama habang natatawa tawa pa.
"Ma, sabihin mo kay kuya na paguwi ko, pakilala niya sa akin yung babae niya!" sabi ko naman kay Mama. "Oo, sige, anak. Sayang! wala ka dito para magcelebrate ng Christmas." sabi naman ni mama. Nalulungkot naman siya kase mag-isa na lang yata siya sa bahay bukod kanila yaya.
"Oo nga, ma. Intayin niyo. Apat na taon na lang. Babalik na ako dyan, babalikan ko rin kaagad si Ace kung may babalikan pa ako, mama." I said. Bigla namang lumungkot ang mukha ni mama.
"Sana nga, nak. Quiet ako ngayon kase gusto kong ikaw mismo makalaman kung ano na nangyari sa kanya pero paano pala kung wala na, anak?" tanong niya.
Paano kung wala na? Edi wala na akong rason pa para magtagal dito.
YOU ARE READING
TULOY PA RIN
FanfictionMahirap kapag long distance relationship kayo, right? Sa sobrang naniniwala kang maglalapit kayo, sobra ka lang din palang masasaktan. Hindi mo alam kung bigla ka na lang bang nakalimutan? Hindi mo alam kung para sa inyo ba talaga ang pagibig? Hindi...